06/24/2024
Dear TikTok and Shopee,
TULUNGAN HUWAG PAHIRAPAN
When we were told that we need to start filing our taxes or else we wouldn't be able to use your platform, we diligently did at inasikaso namin yung papers namin.
Now please hear us.
I'm a seller in Pampanga and started my online selling journey in Shopee.
Nung una sobrang smooth pa until I received complaints regarding sa shipping cost. Na kesyo bakit 80+ yung shipping fee pero sa ibang sellers 50+ lang.
So I started wondering and checked. At legit nga, mas mataas ang shipping kapag Pampanga galing. Even kahit Pampanga to Pampanga ang parcel 80+.
Naka ilang reach out na ko sa customer service wala ako makuhang matinong sagot.
So I decided to switch sa Tiktok.
Una struggle kasi konti lang viewers until ayun na nga nakilala na kami at parami na ng parami yung buyers namin.
Akala ko ok na until lately naka kuha uli kami ng feedback na tumaas ang shipping fee namin.
Yung pangamba ko na baka matulad ule yung nangyari sa kabilang platform ayun na nga.
Ngayon ang tanong ko:
Bakit mas mataas ang shipping cost pag Pampanga?
Bakit kahit Pampanga to Pampanga 80+ pa rin shipping cost?
Anong difference namin sa mga nasa NCR at Cavite?
Nag rrant ako ngayon kasi sobrang hirap na nga ng competition dahil halos nasa Luzon ang mga suppliers.
So pano kami makakapag keep up kung gantong mas pinapa hirapan nyo kami?
Ewan ko lang ah. Pero sobrang unfair kasi. 😔🙃
TikTok For Business ShopeePay Shopee Sellers Support Shopee Cares PH