Raketera

Raketera Hello Guys Let's grow Together

Lesson LearnedMay na wrong send sa gcash ko last year,nasa mga 30k din yun.naghintay naman Ako na may tumawag para ma e ...
17/12/2025

Lesson Learned

May na wrong send sa gcash ko last year,nasa mga 30k din yun.naghintay naman Ako na may tumawag para ma e verify kung sino Ang may Ari ng Pera na Yun pero Walang natawag ee..
Hanggat sa umabot sa point na nagamit ko na Yung Pera.

Sakto din Kasi na natalo na Ako sa sugal ng 15k,kaya maituring ko na blessings saakin Yun,
Nagastos ko na Pala Ang 10k sapag susugal ko at may natira pa na 20k, Hanggang sa kinabukasan may tumawag sa number ko na nagmamakaawa na ibalik ko Yung Pera Kasi kailangan daw nila Ang Pera na Yun,pero takot Akong isauli Kasi nga nagastos Kuna Ang iba.

So Ang GINAWA ko blinock ko Yung number na tumawag saakin Kasi nga Hindi na kompleto Ang pera.

kaya lang na konsensya Ako kaya naisipan ko nalang e unblock Yung number na tumawag saakin
"my Ari ng Pera"

Isauli ko na talaga sana kaya lang na hospital Ang mama ko.sobrang taas ng Lagnat at dinala namin sa hospital.agad kami napagastos ng mga gamotan ni mama at mga laboratories Niya Basta dami kami pinag gastosan at Ang Pera na Yun na Hindi akin,nagastos ko😔
Wala na talagang Akong balak isauli Kasi nga ubos na ee..halos dalawang linggo din Kasi kami sa hospital..

Paglabas namin ng hospital may nag text sa number ko iBang number Ang gamit .nagpakilala na Siya Ang may Ari ng Pera na Yun.Ang Sabi"nam4t4y nadaw papa Niya Yung Pera sana na 30k,Yun daw sana pandagdag sa gamitin nila sa pang operation ng papa Niya kaso kinulang Sila sa Pera kaya Hindi na operahan agad.😔
Napaisip Ako na parang Ako Ang dahilan ng pagka Wala ng papa nila.
Sobra Akong na konsensya sa ginawa ko at dahil sa kakaisip ko sobrang taas ng Lagnat ko.na stress Ako Hindi Ako maka-tulog.

Nung gumaling Ako nag promise naman Ako na ibalik ko Yung Pera pero pa unti-unti Muna..
Pero Hanggang ngayon Ang bigat sa dibdib Yung nagawa ko.dala-dala ko parin Ang konsensya Hanggang ngayon😔


14/12/2025
13/12/2025

San kaya to at anong company grabe naman😬🤤

12/12/2025
02/12/2025

PUBLIC ADVISORY: HINDI LAHAT NG UTANG WALANG KASO.

MAY ESTAFA.

Marami ang may maling akala na “Wala namang nakukulong sa utang.”
Tama kung simpleng utang lang at sumusunod ka sa usapan.

Pero kapag:
May nakuha kang gamit o pera
May pinirmahan kang kasunduan
Puro pangako ka pero wala kang intensyong magbayad
Nagpapaligoy-ligoy ka at ginagamit mo ang “wala namang nakukulong sa utang” para umiwas

Hindi na utang ang usapan.
ESTAFA na. (Art. 315 Revised Penal Code)

ESTAFA ang kaso kapag:

• Kinuha mo ang item o pera kahit alam mong di mo kayang bayaran
• Gumamit ka ng panlilinlang, dahilan, o palusot para makuha ang bagay
• Sinadya mong hindi tuparin ang pinagkasunduan
• Kinuha mo ang produkto/services at tinatago o iniiwasan ang nagpa-utang

At oo, KASO ’YAN.

Hindi kailangan malaki.
Hindi kailangan milyon.
Ang basehan ay panlilinlang at paglabag sa agreement.

Paalala sa lahat ng nangungutang:

Kung “utang”, obligasyon mong bayaran
Kapag hindi ka nagbabayad at niloloko mo pa ang pinagkakautangan mo,
krimen na ang tinatakbuhan mo, hindi “utang lang.”

AWAR3NESS PARA SA LAHAT‼️PLEASE INGATAN AT IMONITOR ANG MGA ANAK, KAPATID, AT MAHAL NATIN SA BUHAY — LALO NA PAG DIDILIM...
29/11/2025

AWAR3NESS PARA SA LAHAT‼️
PLEASE INGATAN AT IMONITOR ANG MGA ANAK, KAPATID, AT MAHAL NATIN SA BUHAY — LALO NA PAG DIDILIM NA! ⚠️

Ngayong tanghali, may isang batang humingi ng tulong sa tindahan.
Paglapit niya, halos hindi na namin mapigilan ang pag-iyak dahil sa dami ng sug@t sa katawan niya. Suot niya ang shorts na dobleng pantakip lang daw niya — hindi niya alam kung paano nahub4d ang isa, dahil wala na siyang maalala.

Ayon sa bata, kagabi pa siya pauwi sa kanila… pero ang tanging natatandaan niya ay nagpumigl4s siya mula sa pagkakag@pos.
Hindi niya alam kung saan siya dinala.
Hindi niya alam kung paano siya nakat4kas.
At higit sa lahat — wala na siyang maalala sa nangyari.

Habang nagkukwento siya, nanginginig ang katawan niya, umiiyak, at halatang-halata ang matinding TR4UMA na dinanas niya.
Bilang nakatatanda, sobra kaming nayanig. Naiyak kami habang iniisip ang sariling pamilya, kapatid, at pamangkin.

Sabi niya, marami pa raw siyang kasamang ibang bata… at siya lang ang nakat4kas.
Taga-TRECE daw siya.

Mabuti na lamang at nakahingi siya ng tulong. Pinainom namin siya ng tubig habang hinihintay ang mga pulis.

PS:
📍 Nasa Amadeo Police Station na po siya ngayon.
🏥 Ginagamot at inaalagaan na po.
🙏 Maraming salamat kay Konsehal Zaldy at sa kapulisan ng Amadeo sa agarang responde.

Please, PLEASE bantayan natin ang mga anak at kabataang mahal natin. Isang iglap lang, puwedeng may mangyaring hindi natin inaasahan.
Ipanalangin natin ang batang ito — napakabrave niya, at sana’y makarekober siya sa trauma na kanyang pinagdaanan.

God bless you, little one. 💔🙏
Ccto: Soguilon C. Catherine


24/11/2025

Address

Taoyüan

Telephone

+886987779155

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Raketera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share