05/06/2026
Alam mo bang effective ang pure honey sa uboโt sipon ng bata?
๐Ang pure honey o purong pulot-pukyutan ay kilalang natural na lunas para sa ubo at sipon dahil nakakatulong itong pawiin ang iritasyon sa lalamunan.
๐กAyon sa mga eksperto, nakakabawas ito ng pag-ubo at nakakatulong para makatulog sila nang mahimbing.
โ๏ธNgunit, may napakalaking paalala ang mga doktor pagdating sa pagpapainom nito sa mga bata:
โ๏ธBawal sa sanggol:
Hinding-hindi dapat painumin ng honey ang mga batang wala pang isang (1) taong gulang. Maaari itong magdulot ng infant botulism, isang uri ng seryosong food poisoning.
โ๏ธTamang edad:
Maaari lamang itong ibigay sa mga batang 1 taong gulang pataas.
โญ๏ธPaano ito ibigay:
Maaari kang magpainom ng 1 hanggang 2 kutsarita (teaspoon) ng pure honey bago matulog.
Pwede rin itong ihalo sa maligamgam na tubig o tsaa.
โฃ๏ธPaalala:
Ang honey ay pampawala ng sintomas at hindi gamot sa mismong virus. Kung mataas ang lagnat ni bagets o hindi gumagaling ang ubo, pinakamabuting kumonsulta agad sa inyong pediatrician.
๐ฉDM us for your pure honey needs.
Location๐National Road, SIV, Virac, Catanduanes