14/05/2026
Marami ang nagtatrabaho para kumita ng pera — pero mahalaga rin na matutunan nating palaguin ang ating ipon. Isa sa mga paraan nito ay ang pag-invest sa Philippine stock market. 📈🇵🇭
Sa pag-invest sa stocks, nagiging bahagi ka ng mga kumpanyang Pilipino tulad ng nasa banking, power, telecom, real estate, at iba pa. Habang lumalago ang mga kumpanyang ito, maaari ring lumago ang value ng iyong investment.
Hindi kailangan maging mayaman para makapagsimula. Ang mahalaga ay magsimula nang maaga, mag-invest nang paunti-unti, at maging disiplinado sa paghawak ng pera.
Bukod sa posibleng pagtaas ng presyo ng stocks, may mga kumpanya rin na nagbibigay ng dividends — dagdag kita habang hawak mo ang iyong shares. 💰
Ang stock market ay hindi “easy money.” May risk at may pag-aaral na kailangan. Pero para sa mga handang maging patient at long-term investor, malaking oportunidad ito para makabuo ng mas matatag na financial future.
Mag-ipon. Mag-aral. Mag-invest. 🇵🇭
— Attorney Promdi