28/02/2020
Buena Manong Bogus Buyer! ๐ง๐ค๐๐ฌ
Rachel Ponce
Sa mga di pa nakakaalam, kung nagpopost po ako ng proofs of legitimacy, nagpopost din po ako ng bogus buyer.
COD ito via bus. Nag order ng iphone, pinadala ang iphone sa bus. Di ako nagkulang sa impormasyon sa kanya. Pagkaalis ng bus, sinend ko agad details ng bus pati kung anong oras darating sa SM para maabangan nya kaso andun na bus, wla pa din sya. Napunta ang iphone sa Santiago, sabi nya malayo daw sa kanya yun kaya pinakisuyo namin ang iphone pabalik ng SM Cauayan. Sinabihan namin syang abangan nya sa Rizal park. Kaso andun na ang bus, 5 minutes of waiting, wala pa din sya. Kung kailan nakaalis na ang bus, saka nya sabihing, "Asan na yung bus?" Hello? Nagbabyahe po yung bus, hindi naman special delivery yun para antayin ka nya. Kahit nga mga delivery man ng LBC o JRS pag natagalan ka, umaalis din e. Nakakaimbyerna lang na siya pa ang galit sa lagay na yan. Kaya eto, posted ka na as bogus buyer para wala ka nang mabiktimang online seller gaya ko. Hindi ho kami nakikipaglaro dito. Naghahanap buhay kami.
Ps. Ito talaga ang sinasabing BOGUS BUYER. Yung naipadala mo na ang item pero di kinuha.