23/08/2019
Agree 100%..
As an OFW alam natin kung gaano kahirap ang magtrabaho sa ibang bansa. But instead na mag-ipon tayo ginagawa pa nating LUMPO ang kapamilya natin by SENDING MONEY back home kahit malalaki na ang mga anak hindi lang anak pati kapatid, pamangkin, apo etc. It's not BAD, it's NOT BAD at all that's our tradition/culture na suportahan mo ang mga mahal mo sa buhay. Ang BAD SIDE lang is, hindi mo namamalayan WE KEEP on feeding on everything they need and want at the END sa kanila pa rin pupunta ang EPEKTO ng ating ginagawa. Bakit? Unconsciously, inalisan natin sila na magkaroon ng BACK BONE, to stand in their two feet. Alam ko hindi lahat, sa ino-obserbahan ko kadalasan naririnig ko sa bus, padala ng tution fee ng apo, ng pamangkin, para pambayad sa hospital ng kapapanganak na manugang, anak, pambinyag,pambirthday. Ang reason NAKAKAAWA, on the other side hindi natin naiisip yung SARILI natin kung may ITINIRA ba tayo, alalahanin mo TUMATANDA tayo. Nai-feature na sa telebisyon yung mga former OFW na nagsisisi dahil walang sapat na ipon or yung pera naubos sa pagpapagawa ng bahay, pambili ng mga appliances, pambili ng gadget. Lahat ng pera ng OFW ngayon napupunta sa mga TANGIBLE THINGS lalo na yung mga computer, after a year luma na yan, what next?
It's not a BAD THING to HELP, but help and SUPPORT is different. Hindi maramot ang hindi magbigay, it's not the first time na madalas pagtanda ng isang tao, wala ng mag-alaga kasi wala na ring pera, it's not a MYTH is a REAL. Let your LOVE ONES to GROW some bones, na gamitin yung pinag-aralan nila, gamitin yung skills nila sa paghahanap buhay, don't SPOON FEED them, allow them to STAND on their TWO FEET. Always SAVE something for YOURSELF. Don't SPEND your STRENGTH by SPENDING your HARDWORK sa mga bagay without SAVING ANYTHING for yourself. It's not SELFISHNESS, tama lang na magtabi ka para sa SARILI mo dahil PAWIS, DUGO at LUHA ang puhunan mo dyan, ang IBA BUHAY ang kapalit. Bago pa ba yung may OFW na minamaltrato? Minsan umuwi pang bangkay?
Kung maayos ang trabaho at naging EMPLOYER mo take the opportunity na makapag-ipon ka kahit P1,000 per month dahil kung may balak ka na magtrabaho for the rest of your life as OFW kahit papano may pera kang maitabi. Mailiit pa nga lang yan, but at LEAST save something for yourself.