Kislap Thrift

Directions

Kislap Thrift Reduce-Reuse-Rewear

18/08/2026

NEW ARRIVAL💸⚠️✔️

13/08/2026

Watsappp! We are open. Takits! Palomoc Titay Zsibugay

🎉✨ 1st Anniversary, Kislap Thrift! ✨🎉Isang taon na ang lumipas mula nang magsimula ang aming munting pangarap. Sa bawat ...
03/08/2026

🎉✨ 1st Anniversary, Kislap Thrift! ✨🎉

Isang taon na ang lumipas mula nang magsimula ang aming munting pangarap. Sa bawat damit na nabenta, sa bawat customer na sumuporta, at sa bawat biyayang natanggap, lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa Diyos.

🙏 Thank You, Lord, sa Iyong katapatan, gabay, at walang hanggang biyaya sa buong taon na ito.

Maraming salamat din sa aming mga suking customers, supporters, at mga kaibigan ng Kislap Thrift. Kayo ang naging bahagi ng aming paglalakbay at tagumpay.

Sa unang anibersaryong ito, mas lalo kaming magsisikap na magbigay ng kalidad, sulit, at abot-kayang mga produkto para sa inyo.

✨ One year down, and by God's grace, many more years to come!

See yeah sa August 1.🥶🥰😍
30/07/2026

See yeah sa August 1.🥶🥰😍

If 𝗔𝗲𝗴𝗶𝘀 𝗦𝗼𝗹𝗶𝗱 is the heart of this event, 𝗼𝘂𝗿 𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗼𝗿𝘀 are the backbone that keeps it standing.

To our sponsors, thank you for believing in our community and for helping us bring this tournament to life. Your support goes beyond prizes and resources—you’ve given our players another opportunity to compete, connect, and create memories together.

We proudly extend our gratitude to all of our sponsors. Your generosity and trust mean a lot to the entire Aegis Solid family and Zamboanga Sibugay CODM Community.

Please take a moment to support and show our love to the businesses and individuals who helped make this event possible.

ᯓ★ˎˊ˗NK TechFin Cellphone Retailing
ᯓ★ˎˊ˗Social D***s
ᯓ★ˎˊ˗Hidden Gems by NK
ᯓ★ˎˊ˗Marich Thrift Galore
ᯓ★ˎˊ˗Orochi Edits
ᯓ★ˎˊ˗JVP Drilling Services
ᯓ★ˎˊ˗Cove Care
ᯓ★ˎˊ˗KofiHub
ᯓ★ˎˊ˗Flores Lechon
ᯓ★ˎˊ˗Thrift your Fit
ᯓ★ˎˊ˗F Society
ᯓ★ˎˊ˗Kislap Thrift
ᯓ★ˎˊ˗𝑺𝒀-𝑻𝑯𝑹𝑰𝑭𝑻𝑫𝑹𝑰𝑷
ᯓ★ˎˊ˗Sabor
ᯓ★ˎˊ˗RealityLabs3D
ᯓ★ˎˊ˗Cheesy Bites by M&J
ᯓ★ˎˊ˗HobbyNest PH

See you all this August 1. Let’s make this BR LAN Tournament one to remember! 💥🧡

Yeah. Discounted kaayo! See yeahhhh.
30/07/2026

Yeah. Discounted kaayo! See yeahhhh.

𝗜𝗽𝗶𝗹 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗲𝘁 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗧𝗼𝗱𝗮𝘆 | 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 𝗘𝘅𝘁𝗲𝗻𝗱𝘀 𝗨𝗽 𝗧𝗼 𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟯𝟭!

Ang LGU Ipil, gipa-extend ang Ipil Night Market hangtod July 31. Unyang gabii, July 30, himoon natong mas bibo ang Ipil Night Market ug atong buhatong street party ang market lane uban sa music ni DJ Lyle!

ALL VENDORS ON SALE! Discounts & freebies!
BEST DRESSED CONTEST! Dress up and win prize!

Padayon nga nagsilbi ang Ipil Night Market isip usa ka lugar diin nagkahiusa ang komunidad, nagasuporta sa lokal nga negosyo, ug naghatag ug dugang oportunidad sa atong mga MSMEs, entrepreneurs, ug vendors.

Good food. Food Music. Good Vibes. Dal-a ang inyong pamilya ug mga higala ug mag-enjoy ta sa usa na usab ka makalingaw nga gabii sa Ipil Night Market.

Ali na. Bisita na. Kita ta diri!

🚨🔥 LAST DAY SA KISLAP THRIFT! 🔥🚨Mga suki ayaw na gyud paglangan! Karon na ang PINAKAULAHING ADLAW sa Araw ng Ipil! 💥 LAS...
25/07/2026

🚨🔥 LAST DAY SA KISLAP THRIFT! 🔥🚨

Mga suki ayaw na gyud paglangan! Karon na ang PINAKAULAHING ADLAW sa Araw ng Ipil!
💥 LAST DAY PROMO:
🧥 HOODIES – BUY 1 TAKE 1 👉 ₱699
👕 SHIRTS – BUY 1 TAKE 1 👉 ₱499
🧢 CAPS – ₱150 RA!

✨ Branded ✨ Pinili ug quality ✨ Sulit kaayo ang presyo ✨ Limited stocks lang!

📍 Bayan ng Ipil Grounds 📅
KARON NA ANG LAST DAY!
🏃 Dali na! Basin ugma magmahay ka nga wala ka nakaabot. Kita-kits sa KISLAP THRIFT! ❤️

See you all.🥶🔥🥳

MAY TAMANG PANAHON PARA SA LAHAT.Habang nagba-browse ako ng Facebook Memories, napangiti at napaisip ako sa isang lumang...
23/07/2026

MAY TAMANG PANAHON PARA SA LAHAT.

Habang nagba-browse ako ng Facebook Memories, napangiti at napaisip ako sa isang lumang larawan namin.

Apat na taon na pala ang nakalipas nang unang beses kaming sumubok maglatag ng mga thrift items sa Araw ng Ipil. Galing pa kami ng Diplahan, at ang iba naming kasamahan ay mula sa Kabasalan. Bumiyahe kami papuntang Ipil dala ang pag-asa na may mabebenta at may maiuwing magandang kwento.

Noong panahong iyon, bagong lipat pa lamang ang Municipal Hall ng Ipil. Hindi pa sementado ang karamihan ng lugar, hindi pa organisado ang pwesto ng mga vendors, at napakaraming gustong magtinda. Dahil kulang din kami sa paghahanda at naubusan na ng espasyo, sa lupa na lamang kami naglatag ng aming mga paninda.

Hindi iyon komportable. Mainit, nakakapagod, at puno ng hamon. Pero hindi namin iyon naging dahilan para sumuko. Ang mahalaga sa amin noon ay makapagsimula.

Taon-taon kaming bumabalik.

At sa bawat pagbabalik namin, nakita namin kung paano unti-unting umunlad ang Araw ng Ipil. Mas naging maayos ang sistema, naging sementado ang paligid, nagkaroon ng mga tent, mas organisado ang mga pwesto, at ngayon ay mayroon nang napakagandang Night Market na dinarayo ng maraming tao.

Talagang kahanga-hanga ang naging pagbabago. Kaya saludo ako sa lahat ng naging bahagi nito—sa mga organizers, sa mga taong nagsumikap para mapaunlad ang bayan, at lalo na sa ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor. Ang dating simpleng selebrasyon ay naging isang napakagandang kaganapan na ipinagmamalaki ng buong bayan.

Ngunit habang tinitingnan ko ang lumang larawan, may isang bagay na mas lalong nagpamangha sa akin.

Napansin ko ang isang Volcom boardshort na kasama sa unang larawan ng aming latag.

At alam n'yo ba?

Ang boardshort na iyon ay ngayon lang nabili sa kasalukuyang Araw ng Ipil.

Isipin ninyo iyon.

Halos apat na taon itong kasama sa aming mga latag. Ilang beses itong isinama sa iba't ibang pwesto, iba't ibang lugar, iba't ibang selebrasyon. Maraming tumingin, maraming humawak, pero walang bumili.

Hanggang dumating ang tamang tao.

Ang tamang buyer.

Doon ko naisip...

Hindi pala ibig sabihin na kapag matagal nang hindi nangyayari ang isang bagay ay wala na itong pag-asa.

Minsan, hindi pa lang talaga dumarating ang tamang panahon.

Ganoon din ang buhay natin.

May mga pangarap tayong matagal nang ipinagdarasal.

May mga oportunidad na paulit-ulit tayong hindi napipili.

May mga negosyo na mabagal ang paglago.

May mga plano na parang hindi umaandar.

At may mga pagkakataong gusto na lang nating sumuko dahil pakiramdam natin ay napag-iiwanan na tayo.

Pero paano kung katulad lang pala tayo ng boardshort na iyon?

Hindi dahil walang halaga.

Hindi dahil walang may gusto.

Kundi dahil hinihintay lamang natin ang tamang panahon at ang tamang tao.

Kung sumuko sana kami noon, hindi namin makikita ang napakagandang pagbabago ng Araw ng Ipil.

Kung itinapon sana namin ang boardshort dahil matagal nang walang bumibili, hindi sana nito natagpuan ang taong tunay na para rito.

Minsan, ang hinihingi lang ng Diyos sa atin ay magtiwala, maghintay, at huwag tumigil.

Patuloy kang magsikap.

Patuloy kang mangarap.

Patuloy kang manalangin.

Patuloy kang lumaban.

Dahil ang mga bagay na tunay na para sa atin ay darating sa tamang oras.

Hindi man ngayon.

Hindi man bukas.

Pero sa oras na itinakda ng Diyos.

At kapag dumating na ang tamang panahon, walang tao, walang hadlang, at walang sitwasyon ang makakapigil sa mga biyayang inilaan Niya para sa iyo.

Kaya kung pagod ka na, magpahinga—pero huwag susuko.

Kung mabagal ang progreso mo, ipagpatuloy mo pa rin.

Dahil ang tamang panahon ay hindi minamadali.

At kapag dumating ito, maiintindihan mo kung bakit pinaghintay ka muna.

"May panahon para sa lahat ng bagay sa ilalim ng langit."

"Ang lahat ay ginawa niyang maganda sa kanyang kapanahunan."
— Ecclesiastes 3:1,11

Ipil Tourism

THANK YOU, BUYERS! 💛✨Daghang salamat sa tanan nga nisuporta ug namalit sa Kislap Thrift! 🛍️Sa wala pa naka-laag diri, da...
18/07/2026

THANK YOU, BUYERS! 💛✨
Daghang salamat sa tanan nga nisuporta ug namalit sa Kislap Thrift! 🛍️
Sa wala pa naka-laag diri, dali na mo! Daghan pa gihapon ug solid, branded, ug selected items nga siguradong sulit! 👕👖✨
Barato na, mahangyo pa! 😍
📍 Kita-kits ta EVERY NIGHT sa Bayan ng Ipil!
Ayaw na paglangan kay ikaw maunhan sa imong ganahan! 🔥

Address

Purok Mangga, Palomoc
Titay
7003

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kislap Thrift posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share