23/12/2025
Ika-40 days na simula noong ika'y lumisan sa mundong ibabaw kapatid, ngunit nananatili ka pa rin sa aming mga puso't ala-ala.
Sana nakapagpahinga ka na ng masaya at matiwasay diyan sa kabilang buhay. Mahal na mahal ka naming lahat, ang tanging pabaon namin sa'yong paglisan ay ang aming pagmamahal at mga dasal.
At ang mga memories nalang na iyong iniwan ang mananatili sa amin magpakailanman.You are now our guardian angel in heaven. Rest in peace.
Laking pasasalamat ko sa mga TAONG nagmalasakit at nagmamahal sayo kahit wala ka na, sa mga kaibigan mo na dumalaw at sinilayan ka sa huling pagkakataon at nag-alay ng mga bulaklak sa lamay mo at mga kape para sa iba pang mga nakikiramay sa burol mo.Maraming2x salamat sa inyo mga dabarkadz ni Marlou from MANGGA.
Sa mga KAPITBAHAY at KAIBIGAN namin diyan sa Silad na nagbayanihan upang buhatin ang iyong kabaong simula sa kalsada hanggang sa makapasok ka sa loob ng ating tahanan.Maraming2x salamat po sa inyong lahat, na kahit madilim, (dahil gabi na ng makarating ang cadaver from manila to mindanao)maputik at madulas pa ang daan nagtulong tulong po kayo upang maiuwi namin c Marlou sa aming tahanan.
Sa aming mga KAMAG-ANAK, April Joy Simene, Jakenail Egot, Maryclaire Egot, Charlie Valmoria Igot, Jun Mark Valmoria Igot diyan sa Silad na palaging nandiyan at nakaalalay sa amin sa panahon ng aming labis na kalungkutan at paghihinagpis. Maraming2x salamat po sa inyo.
Sa mga KAPATID ni Mama ( Uncle Armando, ,Auntie Ana,Uncle Fernando, Auntie Estela Delapeña , Auntie Gloria, Auntie Tita Pangatungan na yung iba ay galing pa ng Cebu na sadyang pumunta at nagbigay ng tulong at higit sa lahat nandiyan sa kanyang tabi upang maibsan ang labis na pagdadalamhati ni Mama, Yung iba hindi nakarating ngunit nagpaabot ng pakikiramay at tulong financial,maraming2x salamat po sa inyo mga Auntie at mga Uncle.
Sa mga kapatid ni Papa na tumawag upang makiramay, Tita Bheby Sumalinog Tita Adriana Sumalinog Tito Valentin S. Sumalinog.Sa mga pinsan ko from leyte na nakiramay thru messenger maraming salamat po sa inyo.
Auntie Angie maraming2x salamat po sa pakikiramay at sa Holy Mass Offering para sa Kaluluwa ni Marlou Sumalinog. Tita Tessie Tesorero maraming2x salamat po sa inyong pakimiramay at tulong financial. Jam Poquiz at Mickey salamat din at kayo yung nandun sa mga oras na hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin.
Sa mga MANALABTAN na araw-araw na pumupunta sa bahay na kahit na malayo at minsan umuulan pa na naging dahilan sa pagiging madulas na daanan ay nakakarating parin po kayo upang mag-alay ng dasal para sa kaluluwa ni Marlou, maraming2x salamat po sa inyo.🙏
Kay Mayor Cheezee Salvador "chiz" Lagbas ng Sugbongcogon Misamis Oriental, na tumulong at nagbigay ng malaking amount of money upang maiuwi namin c Marlou from Manila to Mindanao, maraming2x salamat po sa inyo Mayor Chiz. At Congresswoman Karen Lagbas na malaki rin ang naitulong sa aming Pamilya. Dalangin ko po para sa inyong dalawa sa ating Maykapal na sana bigyan po kayo ng malusog at malakas na pangangatawan palagi nang sa ganon ay patuloy pa po kayong makapaglingkod sa bayan at marami pa po kayong matulungang mga tao na nangangailangan ng inyong tulong buhay man o patay na.(katulad na lamang sa kaso ni Marlou.)
Sa mga kagawad, mga kaibigan at mga kakilala ng aming Pamilya diyan Subongcogon na nakiramay at nagpaabot ng tulong financial at sa lahat lahat ng tumulong upang maisaayos namin ng mabuti ang huling hantungan ng aking kapatid na si Marlou, maraming2x salamat po sa inyong lahat. Ang ating Panginoon na po ang magsukli sa inyong kabutihan sa amin ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya.
GOD bless us all.