15/07/2026
Hello, I’m finally back. 🤍
Matagal akong nawala, hindi dahil sumuko ako, kundi dahil may mga bagay at pangyayaring kailangan kong unahin.
Sa likod ng katahimikan ko ay mga panahong puno ng panalangin, paghihintay, at pagtitiwala sa plano ng Diyos. Kasabay nito, tahimik ko ring binuo ang isa sa mga matagal kong pangarap.
Hindi naging madali ang paglalakbay. Maraming puyat, pag-aaral, at pagsisimula muli. Pero sa bawat hakbang, pinatunayan ng Diyos na may tamang panahon para sa lahat.
Ngayon, handa na akong magsimula ulit—na may mas malinaw na layunin at pusong mas nagtitiwala sa Kanya.
Maraming salamat sa inyong paghihintay at patuloy na suporta. Excited na akong ibahagi sa inyo ang mga bagong likha at ang bagong tahanan ng Artsy Maestra.
✨ Made with Art. Crafted with Heart. Guided by Faith.
“Magtiwala ka sa Panginoon nang buong puso mo at huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa. Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at itutuwid Niya ang iyong mga landas.” — Kawikaan 3:5–6