09/09/2025
Story Time: Utang Serye (Hindi lahat ng professional marunong magbayad)
*Isa lang ito sa mga nangutang na nagka amnesia pagkatapos 😢
Ngayon ko lang na-share after ng mahabang panahon (2023 pa kasi yung utang niya 🤣). Ang nangyari, itong si sir nanghiram sa’kin. Nag-call, nag-text, lahat ginawa para mapa-OO ako. At dahil dati napaka-maunawain kong tao, napagbigyan ko rin.
Sabi niya, babayaran daw niya pagdating niya sa Thailand kasi ginamit lang daw niya yun pandagdag sa plane ticket. Pero nang dumating ang araw ng bayaran—wala. Hindi ko man lang naramdaman yung sinasabi niyang “bayad.” Hindi na rin masyadong nagre-reply, at kung sumagot man, laging dahilan na hindi pa raw siya makabayad.
Lahat ng pasensya at pag-intindi binigay ko. Ganito nga Ako maningil 👇napakalumanay. Hanggang sa lumipas ang taon… at ngayon ko lang ulit naalala na maningil 😅. Nagbakasakali na rin ako, kasi kung mababayaran sana, mas maitulong ko pa rin sa iba. At Yun na nga kahit reply Wala Hanggang ngayon 2025 na 🤣
Lesson: 💡 "Mahirap maningil sa taong marunong magdahilan kaysa magbayad."
゚