29/06/2026
“BUSINESS IS BUSINESS, NAMUMUHUNAN DIN KAMI”
Kamag-anak man o kaibigan, sana maintindihan ninyo na bawat alaga, na inilalabas namin ay may puhunan, pagod, puyat, at sakripisyo sa likod. Hindi lang ito basta “libangan” o madaling hingian kapag kilala mo kami.
May gastos sa breeding materials, patuka, bitamina, gamot, bakuna, maintenance, at araw-araw na pag-aalaga. May mga panahong lugi din kami pero tuloy pa rin para maitaguyod ang pangarap at maibigay ang kalidad na deserve ng bawat customer.
Kaya sana huwag magtampo o magalit kung minsan hindi namin kayang magbigay ng libre o sobrang bawas. Hindi dahil madamot kami — kundi dahil sinusubukan din naming mabuhay at mapalago ang pinaghirapan namin.
Suporta at pang-unawa lang sana, malaking bagay na.
Dahil ang totoong kaibigan at pamilya, unang nakakaintindi sa laban mo sa buhay. 🐓🐓🐓