Online Trending News

Online Trending News Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Online Trending News, Shopping & retail, Taguig.

25/07/2026
Iginiit ni Lacson na hindi siya isang korap na politiko at malinis ang kanyang source of income.Unang binanatan ni Cayet...
19/07/2026

Iginiit ni Lacson na hindi siya isang korap na politiko at malinis ang kanyang source of income.

Unang binanatan ni Cayetano si Lacson: “Kay Senator Lacson, ’di ba? Ano ’yung actual? I didn’t really pay that much attention, pero parang dumoble ’yung kanyang SALN."

Sagot naman ni Lacson: “Hindi nag-doble ang net worth sa SALN ko in 2025 compared to 2022 when I left the Senate. Actually, more than four times ang increase at P244.9M compared to P58.7M in 2022.”

Dagdag pa niya: "As of this morning, I’m still counting informants and witnesses, directly or through intermediaries, willing to provide information and evidence to put him in his proper place — the Payatas, QC jail.”

NAKAKAHIYA SA VPIpinahayag ni Sen. Erwin Tulfo na nahihiya siya para kay Vice President Sara Duterte dahil sa patuloy na...
19/07/2026

NAKAKAHIYA SA VP

Ipinahayag ni Sen. Erwin Tulfo na nahihiya siya para kay Vice President Sara Duterte dahil sa patuloy na pagkaantala ng impeachment proceedings.

“Nahihiya nga po ako sa Vice President po natin, naubos po 'yung oras every time po na nade-delay ng by the day itong impeachment court po,” pahayag ni Tulfo.

Sinabi pa ni Tulfo na apektado umano ang Bise Presidente at ang kanyang pamilya sa patuloy na pagkaantala ng paglilitis.

“Isipin mo na lang po 'yung anxiety, 'yung kaba, 'yung lungkot, 'yung ika-nga na inaabot ng pamilya o ng Vice President herself,” paliwanag niya.

Binigyang-diin ni Tulfo na ang impeachment court ay para sa Bise Presidente at hindi dapat naaantala ng mga usaping walang direktang kaugnayan sa kaso.

PNP: MAS LIGTAS SA PILIPINAS NGAYON.Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling ligtas ang Pilipinas sa ...
17/07/2026

PNP: MAS LIGTAS SA PILIPINAS NGAYON.

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling ligtas ang Pilipinas sa kabila ng mga naiuulat na krimen nitong mga nakaraang araw.

Ayon sa PNP, bumaba ng 20.6% ang naitalang focus crimes sa bansa sa loob ng tatlong buwan matapos ilunsad ang Safer Cities Initiative, batay sa kanilang pinakahuling datos.

Gayunman, patuloy na nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na manatiling mapagmatyag at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang higit pang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

Address

Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Online Trending News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share