Kaka NJ's Store

Kaka NJ's Store Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kaka NJ's Store, Shopping & retail, Taguig.

28/04/2022

ILAN SA MGA TANDA NG LAYLATOL QADR

▪️Mahina ang sinag ng araw pagsapit ng umaga.

▪️Katamtaman na temperatura ng panahon; hindi mainit, hindi malamig.

▪️Kapanatagan ng kalooban.

Ayon kay Al-qadiy Iyad (Rahimahullah), na marahil kung bakit mahina ang sinag ng araw sa pagsapit ng umaga matapos ang Laylatol Qadr, ay dahil sa natatakpan ito ng mga anghel na bumabalik na sa langit matapos nilang bumaba sa Lupa.

At ang nabanggit sa hadeeth na rami ng mga anghel sa Lupa sa Laylatol Qadr, ay mas marami pa sa bilang ng mga bato.
[Ahmad: 10734]

Subalit, sinabi ng mga Ulama na hindi kundisyon sa pagkatamo ng gantimpala ng Laytol Qadr ang malaman ng tao na ang gabing yaon ay Laylatol Qadr, bagkus ang basihan ay ang kanyang pagsusumikap

Bagamat, maaaring ang pakinabang ng mga tandang ito ay, kung may naramdaman sa mga ito, at nagsumikap sa mga pagsamba sa gabing yaon, ay makakapagpasalamat kay Allah (Subhanahu wa Taala).

Nawa'y mapabilang tayo sa mga magtatamo ng gantimpala ng Laylatol Qadr. Ameen.

اللهم اجعلنا ممن قام ليلة القدر، وأدرك فضله، وفاز بالثواب الجزيل والأجر.. اللهم آمين.

✍️: Amer Ibn Ali Pundogar

08/04/2022
18/01/2022
30/12/2021

HATOL SA PANONOOD NG FIREWORKS SA PANAHON NG NEW YEAR!!

Binanggit mula sa Fatwa ng Islamweb:
"Ipinagbawal ang pagdalo ng isang Muslim sa pagdiriwang ng mga hindi Muslim na may ugnayan sa kanilang relihiyon!

Gayundin ipinagbawal ang pagdalo upang manood ng firworks para sa paggunita ng New Year dahil ito isang uri ng pagsupurta sa kanilang relihiyon at pagpaparami ng kanilang bilang na maaari ang p**t ni Allah ay ibaba sa kanila (parusa)!"

Ngunit kung hindi ka naman dumalo at nasilip mo lang sa iyong bintana ay hindi naman sakop ng pagbabawal ngunit ang pinaka mainam ay iwan ito at huwag panoorin!

IWASAN PO ANG PAGDALO AT PANONOOD NG FIREWORKS. MAINAM NA ITULOG UPANG MAPANGALAGAAN ANG SARILI AT RELIHIYON!

DAGDAG KAALAMAN:

-Iwasan ang pagbenta o paggamit ng paputok, turutot at iba pang ginagamit upang magbigay ingay sa panahon ng NEW YEAR, dahil ang tamang pananaw hinggil dito ay ipinagbawal "haram" sa mga kadahilanan:

1-Paglulustay o paninira ng kayamanan

2-Pamiminsala sa mga tao (maaaring panggalingan ng sunog, takot o pangamba

3-Panggagaya sa gawain ng hindi Muslim

Nang tanungin si Shaikh Uthaimeen hinggil sa pagbenta at paggamit ng fireworks, kanyang sinabi:
"Aking nakikita na ang pagbenta at pagbili nito ay Haram sa dalawang kadahilanan:

a-Paglulustay ng kayamanan (ang paglulustay sa kayamanan ay Haram alinsunod sa pagbabawal ng Propeta)
2-Pamiminsala sa mga tao

ما حكم بيع وشراء واستعمال المفرقعات النارية ، والتي تسمى ( الطرطعان ) ؟ .
فأجاب : الذي أرى أن بيعها وشراءها حرام ، وذلك لوجهين :
الوجه الأول : أنها إضاعة للمال ، وإضاعة المال محرمة ، لنهي النبي صلى الله عليه وسلم عن ذلك .
والثاني : أن فيها أذية للناس بأصواتها المزعجة ، وربما يحدث منها حرائق إذا وقعت على شيء قابل للاحتراق ، وهي حية لم تطفأ . فمن أجل هذين الوجهين نرى أنها حرام ، وأنه لا يجوز بيعها ولا شراؤها" انتهى .
" مجموع الفتاوى لفضيلة الشيخ محمد بن صالح العثيمين " الصادرة من " مركز الدعوة والإرشاد بعنيزة " ( 3 / 3 ، وتاريخ الفتوى : 5 / 10 / 1413 هـ .

✍️ Zulameen Sarento Puti

27/12/2021

Sa mga panahong ito, dito natin dapat mas sinasabuhay at pinapaigting ang konsepto ng Al-Walaa Wal Baraa.

Tandaan, Ang mga ginagawa ng mga Kuffar sa mga panahong ito ay hind kalugud-lugod para sa Allah.

Ang Islam ang ating relihiyong sinusunod at ito lamang ang katanggap-tanggap para sa Allah, kaya’t sinumang gumaya sa mga Kuffar ay kabilang sa kanila.

06/12/2021



The Golden advice from Prophet Muhammad ﷺ

• Respect 3 people:
1. Parents
2. Teachers
3. Elderly

• Save yourself from 3 things:
1. Bad Deeds
2. Backbiting
3. Jealousy

• Have 3 things in you:
1. Honesty
2. Faith
3. Good Deeds

• Obtain 3 things:
1. Knowledge
2. Manners
3. Piety

• Free yourself from 3 things:
1. Arrogance (superiority complex & denying the truth)
2. Cheating
3. Debt

• Keep 3 things pure:
1. Body
2. Clothes
3. Thoughts

• Have control over 3 things:
1. Tongue
2. Anger
3. Soul (self desires)

• Remember 3 things:
1. Death
2. Favor (others helping you)
3. Advice

Ctto

24/11/2021

Allahumma Ballighana Ramadhan 💖🤲🏻

23/11/2021

SIYA AY DALISAY

Ang orihinal na katayuan ng isang muslim ay ang pagiging dalisay, walang kasalanan, inosente, hindi masama.

Kayanaman mariing ipinagbabawal ng Islam ang paniniwala sa mga haka-haka, at gayundin ang pagmamanman (spying) sa kapwa. Sinabi ni Allah: “O kayong mga mananampalataya! iwasan ninyo ang karamihan sa mga haka-haka; sapagkat ang ibang haka-haka ay kasalanan, at huwag magmanman . . .” [Al-hujurat:12].

At napakalungkot isipin na marami saatin ang ganito, pinag-iispan ng masama si Folan o si Folanah, pinagmamanmanan, na baka sakaling may makitang kapintasan o kamalian sakanila. Na kung tutuusin ay dapat nating pagtagkpan ang ating kapwa, sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam): “At sinuman ang magtakip sa kapintasan (o kahihiyan) ng isang muslim, ay tatakpan sakanya ni Allah (ang kanyang mga kapintasan) sa mundo at sa Huling Araw . . .” [Muslim: 2699].

At ngayon, sa makabagong panahon, isang click lang, o touch-screen narin ang paninira sa kapwa, hanggang sa humahantong pa sa pangha-hack ng mga account o paggawa ng fake account.

Sinabi ni Shaykh Ibn Baz (Rahimahullah) “At hindi maaari ang pagmamanman, na ito ang pag-alam sa nakakubli sa isang tao; na baka sakaling makitaan ito ng hindi magandang gawain. Hindi dapat, kapag pinagtakapan ni Allah ang isang muslim, huwag mong sikapin na ihayag ito. Subalit, kung naging hayag ang kanyang mga ginagawa (na di maganda), ng walang pagmamanman; ay obligado sa iyo na payuan at gabayan siya sa kabutihan, at pigilan ang di mandang gawain na ito. Subalit kung pagmamanman, ay hindi maaari.”

Kapatid, ang resulta ng paniniwala sa mga haka-haka at pagmamanman ay: kamumuhian mo ang iyong kapatid, iiwasan mo siya, lalayuan mo siya, hanggang sa tatalikuran mo siya. Ito ay sadyang taliwas sa katuruan ng Islam, sinabi ni Allah: “Katiyakan, ang mga mananampalataya ang tunay na magkakapatid . . .” [Al-hujurat:10], at sinabi naman ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam): “At maging mga alipin ni Allah na magkakapatid . . .” [Muslim: 2558].

Image: From Google

✍️: Amer Ibn Ali Pundogar

Address

Taguig
1637

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kaka NJ's Store posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share