03/10/2023
October Realizations... π€π
Over the past months, naging matumal tlga ang coin industry. Yung mga nakikita kong masisipag dati magpost ng binebenta nila, ngaun wala na..yung mga dating mahilig mamakyaw ng items, d ko na rin maramdaman...pero okay lang, wala talagang permanente sa mundo. Walang forever! Haha -- Yan ay para sa mga sumuko agad kasi d nila naramdaman pagbalik ng puhunan nila. Akala kasi nila porket nakita ang ibang kasamahan natin na umasenso at totoong pinagpala, ganun din ang mangyayari sakanila. Hindi ko nman nilalahat, pero malamang may iba sa atin na ganito naging thinking kasi nga, sino ba naman ang tatanggi sa easy money..
Bili ka lang ng murang USPI coins worth 1k-3k tipong 1907-1909 lang, maganda condition gastos ka lang ult for grading,.. voila! Pwede mo na iresell ng 5digits... isa lang to sa mga strategy for easy money dito sa industry na to, d ko na iisa isahin dahil marami pang iba...ika nga nila stay a bit longer and observe the system, maiintindhan mo yung galawan ng mga nauna sayo...
Sa ngayon, makikita natin na karamihan sa mga nagstay at active ay yung mga collector, established buy&seller, at mangilan ngilan na mga baguhan na sinusubukan pasukin at intindihin ang ating hobby. Maganda at makulay ang larangang ito ngunit, hndi ka magtatagal kung ang hanap mo'y agarang pagyaman..Namnamin mo at isapuso mo ang bawat experience na madadaanan mo. Subukan mong aralin at intindihin ang bawat istorya na nsa likod ng mga bagay na kinokolekta mo. In due time, all your efforts will pay off. Malay mo, andito pala ang swerte mo. β€οΈ
Share ko lang ung mga nabenta ko over the past two months..haha matumal pero worth it kasi may mga returning clients ako..
Ang mahalaga, maganda ang reputasyon mo at hindi ka papasilaw sa kakarampot na kita sa iilang barya. Maging magalang and open sa kritisismo. At higit sa lahat, palaging magpasalamat sa Kanya sa lahat ng biyayang iyong natatanggap. ππ