19/10/2023
Solusyon Sa Hika o Asthma (Part 2)
Payo ni Doc Willie Ong
Kaibigan, heto ang ating dagdag payo para mabawasan ang iyong hika at allergy:
1. Mag-linis ng bahay. Ang allergy ay nanggagaling sa mga dust mites, isang insekto na laganap sa ating bahay. Labhan linggu-linggo ang bedsheet, unan at kumot. Ibilad ang mga ito sa araw para mamatay ang mga mikrobyo at insekto.
2. Umiwas sa lahat ng usok. Bawal na bawal ang usok at sigarilyo. Ipaalam sa lahat ng k**ag-anak at kaibigan na bawal ang sigarilyo sa iyo. Umiwas din sa usok ng mga sasakyan.
3. Kumain ng prutas at gulay na nagpapalakas ng ating ugat at baga. Damihan ang pagkain ng dalandan, orange, mansanas, suha, ubas at blueberry. Puwede ding uminom ng Vitamin C tablet 500 mg kada araw.
4. Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui. May Omega-3 fatty acids ito na makatutulong sa hika.
5. Kapag inaatake ng hika, subukan uminom ng matapang na kape o black coffee. Ang caffeine ay parang gamot na theophylline na nagbubuka ng mga tubo sa baga.
6. Umiwas sa soft drinks at vetsin. Puwede itong magpasimula ng hika, lalo na sa mga bata.
7. Mag-ingat sa sobrang lamig o sobrang init na panahon. Baka mag-trigger ng hika ito. Dapat ay katamtaman lang ang temperatura.
8. Mag-ehersisyo ng 3-5 beses bawat linggo. Subukang palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang masel sa pag-hinga. Puwede ding mag-swimming.
9. Gamitin ang tiyan sa paghinga. Dalawang paraan ang paghinga. Ang una ay ang paggamit ng dibdib. Ang pangalawa at mas epektibo ay ang paggamit ng tiyan (diaphragm o abdominal breathing). Humiga sa k**a at ilagay ang k**ay sa ibabaw ng tiyan. Sa iyong paghinga (inhale), dapat ay tataas ang k**ay mo sa tiyan pero hindi tataas ang iyong dibdib. Mas mapupuno ng hangin ang iyong baga sa ganitong paghinga.
10. Maghugas palagi ng k**ay. Umiwas sa virus at bacteria. Kapag ikaw ay tinamaan ng sipon at ubo, puwedeng sumabay ang atake sa hika.
11. Gumamit ng Air-condition kung may pera. Puwede din ang Air Filter.
12. Kapag madalas ang atake ng iyong hika, magpatingin agad sa doktor. May mga taong nadisgrasya na dahil pinabayaan ang kanilang nararamdaman. May mga gamot (salbutamol tablet at inhalers) na makatutulong sa pagkontrol ng iyong hika. May tulong din ang nebulizers na magpapaluwag sa iyong paghinga. Good luck po.