27/04/2021
Nung isang araw tinanong ako ng kapatid ko.
“Ate, sa lahat ng nakilala mo at nakasama mo sino yung masasabi mo na HOME mo?”
Nag-isip ako, kasi malalim yung tanong ng kapatid ko. Inisip ko lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng natutunan ko as in LAHAT ng na experience ko sa relationship. Doon ko narealize na walang lumamang sa ginawa sakin ni Dan.
Kaya sinagot ko yung kapatid ko. “Si Dan”
Kasi si Dan yung lalaking alam ko na kahit kelan hindi ako ija-judge, kasi si Dan yung nakilala kong makakasama ko “meron man o wala” kasi si Dan yung nakilala kong kahit anong FLAWS ko alam kong “PERFECT” pa din ang tingin sakin. Kasi si Dan yung lalaking nagparamdam sakin ng totoong pagmamahal. Yung pagmamahal na wala kang mararamdamang pagdududa kasi araw araw binibigyan ka ng assurance na ikaw yung maganda, ikaw yung para sakaniya, na ikaw yung pinagdasal niya kay Lord na makasama habang buhay.
ANG SARAP SA PAKIRAMDAM NO? Yung isang yakap lang ramdam mong SAFE NA SAFE KA.
BIGO ID: MKMNDDanbar
Onelink: https://bigolive.onelink.me/sG8X?pid=region_kol&c=PH_DANBARARDALES&is_retargeting=true
LIVE TIME: 9:30-11:30pm