10/09/2021
Nang dahil sa isang maling akala ay nawala sa akin ang lahat, ang batang nasa aking sinapupunan, ang mga pangarap na magkasama naming binuo, ang pagtitiwala at ang kanyang pagmamahal. Paano ko nga ba maibabalik sa dati ang masaya naming pagsasama? hanggang kailan ko pa makakaya ang pananakit sa akin ng lalaking pinag-alayan ko ng aking buong pagkatao? ================= BW1 Isang malakas na sampal ang tila nagpabalik sa akin sa katotohanan mula sa isang napakagandang panaginip, ang mga nanlilisik na mata ng aking asawa ang nabungaran ko sa aking paggising , lasing nanaman siya kaya handang handa nanaman ang mga k**ao niya sa gsgawin niyang pananakit sa akin. Napapikit na lamang ako ng tumaas ang isang k**ay niya, inaasahan ko na ang malalakas na sampal na muli niyang ipagkakaloob sa akin kaya naman awtomatikong yumakap ang aking mga k**ay sa aking sinapupunan, ngunit imbes na sampal ay hinablot niya ang aking buhok saka ako hinila pababa sa k**a, halos madapa ako dahil na rin sa bilis ng paglalakad niya, hindi ko malaman kung ani ang hahawakan ko, ang nasasaktan kong ulo o ang maumbok ko nang tiyan. Sa kusina niya ako dinala, pabalya niyang binitawan ang pagkakahawak sa aking ulo saka ako itinulak sa tapat ng kalan. "P*tang ina! Pagod na pagod ako sa opisina at umaasa na may nakahanda ng pagkain sa hapag pero ano ang nadatnan ko? Ni hindi ka man lang nagsaing babae ka! Mas inuna mo pa ang matulog!!!" Gigil na sigaw niya sa akin kaya naman napatingin ako sa wall clock 8:30 na pala ng gabi, napasarap ang tulog ko! "P-pasensya ka na, magluluto na ako. M-maligo ka muna hhabang inihahanda ko ang pagkain m-mo" nangangatog na ang buong katawan ko dahil sa pinaghalong takot at sakit ng mga kalamnan. "Siguraduhin mo lang na nakahanda na ang pagkain ko mamaya pagbaba ko dito kung hindi malilintikan ka sakin babae ka!" Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang saka mabilis na kumilos kahit na masakit pa ang buong katawan ko dahil sa ginawa niya sa aking pananakit kahapon at ngayong gabi. Agad kong nagsalang sa rice cooker ng sinaing saka ko naman hinarap ang pagluluto ng ulam, ilalaga ko na lamang ang manok na nakita ko sa ref tutal paborito naman ito ni Warren. Maya't maya ang ginagawa kong pagtingin sa walk clock, mabuti na lamang at may katagalan sa paliligo ang asawa ko, nagbababad pa kasi iyon para marelax ang katawan niya. Hindi rin naman kasi biro ang minana niyang posisyon maula ng mamatay ang biyenan kong lalaki dahil sa heart attack, dahil sa "nagawa"