09/05/2023
Magandang umaga po mga Kalalawigan.
Mainit na hanging mula sa dagat Pacifico ang nakaka-apekto sa bansa.
Kahapon ay naitala sa Infanta ang pinakamataas na heat index sa lalawigan na umabot ng 43°C. Ngayong araw naman ay maaari rin itong umabot sa 43°C.
Patuloy na pinag-iingat ang lahat dahil sa bantang panganib ng mataas na temperatura.
Sundin ang mga tagubilin hinggil sa bantang ito.
Dagliang makipag-ugnayan sa kinauukulan para sa kaugnay nitong mga pangangailangan.
Maaari pa rin magkaroon ng mga kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa ilang mga lugar.
Mag-ingat po ang lahat.