22/11/2020
Proud to be a Filipino?! LIKE and SHARE MO TO!
World Class Quality Product, Made in the Philippines!🇵🇭
Ang Dragon Fireworks Incorporated ay itinatag noong 1992 at ito ang pinakamalaking pagawaan ng paputok sa bansa. Isang karangalan sa amin ang itangkilik at katawanin ang bansang Pilipinas sa iba't ibang paligsahang pandaigdig.
Ang isa sa pinakapaborito kong litrato ay kung saan ay sumali kami sa "Festival Pyrotechnique" sa Cannes France at nanalo ng pangalawang pwesto. Nakikita dito ang pagkadisenyo ng pyrotechnics na dilaw, p**a at asul na kulay na nagsisimbolo ng ating watawat!
Ang pangalawang litrato ay ang "Montreal Fireworks International" sa Canada kung saan naman ay inuwi namin ang gintong medalya. Hindi namin ito malilimutan dahil sa dami ng kababayan na bumati at nakilahok upang sumuporta sa amin sa kumpetisyon.