23/04/2025
Hanggang kailan natin makikita ang kakulangan bilang kahinaan, at hindi bilang anyo ng katapangan?
Sa bawat yapak sa mundong tila ipinagkait sa kanila, may kwentong nananatiling tahimik, Sa bawat palad na humahagod ng paghilom, may damdaming hindi naisasatinig. "Tanglaw" ay pagpupugay sa mga bulag na manghihilot na sa bawat dampi ng palad ay naghahabi ng kwento ng tapang at tatag. Ito ang pagtalima sa liwanag sa gitna ng dilim-sa katauhan ni Anthea Velasco, babaeng bumubuo ng mundo sa pamamagitan ng tunog, haplos, at tiwala. Sa likod ng mga matang mapanghusga, tangan niya ang liwanag ng pagtitiis, pag-asa, at paninindigan.
Sino ang nangangailangan ng paningin upang magpagaling, kung ang kanilang mga kamay ay kayang makita ang hindi kayang matanaw ng mga ordinaryong mata?