Baley kun san fabian

Baley kun san fabian magbayanihan para sa ikauunlad ng lahat

05/06/2020

NAKA KALUNGKOT ISIPIN DALAWANG BEAUTY QUEEN KAKAMPI NA NGAYON NI JOMA?

Hinde ba nila na balitaan ang pang a ambushed ng mga CPP-NPA sa ating mga ka Sundalohan at ka Pulisan habang nag sagawa ng Relief Good Operation para sa mga apektado ng Lockdown ng dahil sa Covid 19 ??

Hinde ba nila nabalitaan ang Sigaw at Iyak ng mga Magulang dahil ang pinakamamahal nilang mga Anak ay ni recruit na pala ng mga Leftist Group sa loob ng kanilang paaralan para maging kasapi ng New Peoples Army or NPA?

Hinde ba nila na balitaan na ang mga Babaing naging Membro ng NPA ay ginawa lang PARAUSAN ng mga Field Kumander ni Joma Sison?

Hinde ba nila na Balitaan ang mga Extortion Activities nila sa mga Kawawang Magsasaka at mga Negosyante at kung ayaw magbigay Pinapatay at Sinusunog ang kanilang mga Ariari-an?

At libo-libo pang mga Violations ang nagawa nila tapos ngayon ang Karapatan pa rin nila ang iniisip ninyo Miss Catriona at Miss Pia??

Kung ganun na ang pag iisip ninyo? kayo ang may malaking problema..!

05/06/2020

LIHAM NG ISANG SUNDALO SA LAHAT NG NAIS IBASURA ANG ANTI-TERROR BILL

Ako’y hamak na sundalo lamang na nais maglingkod sa bayan. Binubuwis ang buhay para makamit ang kapayapan na alam naming kailanman hindi natin makukuha hanggat may mga taong nagmamanipula at gumagamit sa murang kaisipan ng mga kabataan. Marami nang pinagdaanan ang Pilipinas sa kamay ng mga terorista ngunit hindi ito ramdam sa gawing Luzon kundi sa Visayas at Mindanao lamang. Baka nakalimutan na natin ang Zamboanga siege, Marawi siege, ang mga pambobomba sa simbahan at sa davao, ang Mamasapano Massacre kung saan namatay ang 44 na SAF at ang 11 sundalo na pinatay sa gitna ng paglilingkod sa kabila ng COVID.

Nakakalungkot isipin na mga tiga-Luzon na hindi naman nakaranas ng pananamantala at pang-aabuso ng mga terorista ang lakas-loob na lumalaban sa batas na ito. Nakakatawa na lang isipin na sinisigaw ninyo na minamahal nyo ang bansang Pilipinas ngunit hindi ninyo sinasaalang-ala ang buhay ng mga kapatid ninyo sa Mindanao na pangunahing apektado sa kamay ng mga terorista. Sabagay, hindi nga naman ninyo alam yung hirap, dahil naninirahan kayo sa magagarang tahanan, nakakatulog kayo ng mahimbing at nakakasama ninyo ang inyong pamilya ng matiwasay.

Sinasabi siguro ng karamihan na sundalo ang pinasok namin kaya wag kami magreklamo kung nakikipaglaban ngunit alam naman nating lahat na walang pera o propesyon ang makakatumbas sa buhay ng isang tao. Ang aming pinanghahawakan na lamang ay kung mamatay man, mamamatay kaming nakikipaglaban para sa kapayapaan ng mga lugar na aming nasasakupan; mamamatay kami ng mayroong dignidad, malinis na konsensya at may totoong pagmamahal sa bayang Pilipinas.

Walang may alam sa inyo ng mga gabing halos wala kaming tulog habang kayo ay naghihilik; hindi ninyo alam yung sakit na hindi kami makauwi sa mahahalagang okasyon habang kayo ay masayang nagtitipon-tipon; hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam na malagasan ng kasamahan habang kayo ay malayang nakakasigaw; wala kayong alam sa lahat ng sakripisyon ng libu-libong sundalo na nauna na sa amin para lamang mailigtas ang kapwa natin Pilipino laban sa terorismo.

Kaya ito lang ang panawagan ko kung nais mong ibasura ang bill nato:

Pauwiin ninyo na kami. AT KAYO NA LANG ANG PUMALIT SA AMIN. Minsan naiisip ko na sana kayo na lang, kayo na lang sana ang ilang araw na hindi natutulog para lang maprotektahan ang mga mamamayan; kayo na lang sana ang humihiga sa basa at malamig na damuhan habang umuulan; sana kayo na lang ang hindi nakakasaksi ng panganganak ng inyong kabiyak; sana kayo na lang yung hindi makauwi kahit na nasa bingit na ng kamatayan ang inyong kapamilya; sana kayo na lang ang walang awang pinapatay, niyuyurakan at binabalasubas ng mga terorista; kayo na lang sana ang namanatay kahit hindi nasisilayan ang mga anak; kayo na lang sana yung nilalamayan at iuuwi sa pamilya ng bangkay na. Kayo na lang sana.
DAHIL HANGGA’T HINDI NINYO NARARANASAN ITO, HUWAG NINYONG SABIHING MAY ALAM KAYO SA TERORISMO.

­
Palawakin natin ang panawagan para suportahan ang Anti-Terror Bill!
*ctto

05/06/2020
10/05/2020

Good news!!!😇😇😇🙏🙏

Tuloy tuloy na ang pagbabago ant ika uunlad ng lahat...Laging tandaan wag na isama sa lista ang mga abusado wala sila di...
05/05/2020

Tuloy tuloy na ang pagbabago ant ika uunlad ng lahat...

Laging tandaan wag na isama sa lista ang mga abusado wala sila diyan...pagbabago para sa kapakanan ng mga tao walang mahirap o mayaman pantay pantay..

# # #

Para maintndihan ng mga anti duterte basahing mabuti ito..
03/05/2020

Para maintndihan ng mga anti duterte basahing mabuti ito..

RE: Complaint of Some OFWs Regarding Their Increased PhilHealth Premium Contributions

Naiintindihan ko ang mga kasalukuyang hinaing ng ating mga OFWs hinggil sa mas mataas na bayarin nila sa kanilang PhilHealth contributions.

Nais ko lang po klaruhin para sa kaalaman ng lahat na ang pagtaas sa PhilHealth contributions ay naaayon sa Universal Health Care Law na naisabatas noon pang nakaraang 17th Congress. Layunin ng batas na ito ang mas lalong mapabuti at mapalawak ang mga benepisyo at iba pang programang pangkalusugan para sa kapakanan ng lahat ng mga Pilipino – kasama na diyan ang OFWs abroad at ang kanilang mga pamilya o dependents na nandito sa Pilipinas.

Sa katunayan nga, sinabi ng PhilHealth na sa nakaraang taon, mas malaki pa ang amount of benefits claimed by OFWs and their dependents kumpara sa premiums paid ng mga ito. Kung baga, sa normal na sitwasyon, sulit na investment po ito para sa kalusugan ng ating pamilya.

Subalit kailangan rin natin intindihin ang kakaibang sitwasyon ngayon dahil sa patuloy na paglaganap ng sakit na COVID-19 sa buong mundo at pagka-paralisa ng ating mga kabuhayan. Dahil dito, umaapela po ako on behalf of our OFWs.

Una, mapag-aralan dapat ng PhilHealth kung maaaring i-delay muna ang pagbabayad sa premium contributions o kung maaari ay i-delay ang pagtaas sa bayaring ito. Suriin dapat ang lahat ng pwedeng magawa upang hindi ito maging pabigat lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng karamihan ng ating mga OFWs.

Karamihan po ng mga OFWs natin, umaasa pa ng dagdag na tulong mula sa gobyerno bukod sa ipinamahagi na ng DOLE na 10,000php one-time financial assistance sa mga nawalan ng trabaho o naapektuhan ang kanilang kabuhayan sa ibang bansa. Hindi naman po tama na sa panahong umaasa sila sa dagdag na tulong mula sa gobyerno, kaya pa natin sila sisingilin ng dagdag na kontribusyon.

Ang hinihingi ko lamang ay mabigyan natin ng kinakailangang ‘palugit’ ang mga OFWs sa kabila ng pinapasan nilang hirap ngayon. Lahat ng palugit na pwede natin maibigay sa panahon ng krisis, ibigay na po natin. Sabi nga nila, “in times of crisis, every single peso saved counts”.

Balansehin lang natin ito para hindi rin naman mailagay sa alanganin ang kabuuang pondong pangkalusugan na makakatulong sa mas maraming Pilipino lalo na ngayon na nasa health crisis pa tayo.

Pangalawa, umaapela rin ako sa PhilHealth na i-amyenda ang kanilang Circular kung saan kasali pa ang “Overseas Filipinos in Distress” sa dapat magbayad ng kontribusyon. Kung pu-pwede ay huwag na isama yung repatriated OFWs at yung mga lubos na apektado ng krisis sa sisingilin pa ng gobyerno sa panahong sila ang nangangailangan ng tulong mula sa atin.

Pangatlo, umaapela din ako sa PhilHealth na mas lalong pagbutihin pa ang inyong pagbibigay ng mga sapat na impormasyon upang mas maintindihan ng lahat ng mga Pilipino kung saan napupunta ang mga kontribusyon nila.

Ipaliwanag natin ng maayos ang lahat ng mga benepisyo ng pagiging miyembro ng PhilHealth. I-kumpara ang kabuuang halaga ng binabayaran na premiums sa kabuuang halaga ng lahat ng benepisyong nakukuha nila at ng kanilang pamilya. At i-identify kung ano ang mga idinagdag na mga benepisyo dahil sa pagtaas ng bayarin sa PhilHealth.

Sa bawat pisong lumalabas sa bulsa ng ating mga kababayan, dapat alam nila kung anu-anong mga benepisyo ang naibibigay naman sa kanila ng gobyerno.

Bilang Chair ng Senate Committee on Health, layunin nating mas lalong mapagbuti ang lahat ng mga programa at serbisyong medikal. Pero sa panahon ng krisis, ang kapakanan ng lahat ng mga Pilipino, lalo na yung mga lubos na nangangailangan ng tulong, ang aking pangunahing prayoridad.

Kailangan nating mas lalong magtulungan at magbayanihan para mapagaan ang pinapasan ng kapwa nating Pilipino at malampasan ang krisis na ito bilang isang nagkakaisang bansa.

- Kuya B**g Go

02/05/2020

Columnistang nagsasagawa ng gulo wag maging uto uto sa mga paninira nila sa pres.

02/05/2020

DEAR ANTI-DUTERTE,
(CAPSLOCK PARA INTENSE)

Nung namatay mga HongKong Nationals sa hostage crisis, at galit na galit ang HongKong sa atin, pinagparesign ba si PURISIMA?
Nung naging sikat sa kahihiyan ang Pilipinas dahil sa laglag bala, pinagparesign niyo ba si JOSE HONRADO na MIAA Chief. Nung nabulok ang mga gamot at bigas para sa Yolanda victims dahil hindi pinamigay, pinagparesign ba si rainbow-haired DSWD secretary na si DINKY SOLIMAN
Singil ng singil si HENARES sa TAX ng maliliit tapos yun pala hindi niya sinisingil si LUCIO TAN at ang PAL na ngayon ay ginawa ni DUTERTE. Nalinlang pala kayo ng amo niyong si PNOY???
Iyong ginawa nila sa Lumad at mga patayan sa HACIENDA LUISITA during CORY's term, pinagresign niyo ba sya? Tapos sasabihin nyo sinasamba namin si Digong, bakit inilagay nya ba pangalan nya sa airport natin tulad ng pagtawag sa Ninoy Aquino Airport, nagpatayo din ba sya ng rebulto sa manila tulad ng ginawa ng Aquino family? Nilagay din ba mukha nya sa pera natin? Nuon gusto nyo pa gawing santo ang nanay nya.. bakit NAG-MILAGRO ba sya at umunlad ang Pinas?
Nung palpak ang forecast at management ni MAR ROXAS sa Yolanda, pinagparesign ba sya?
Iyong ginamit nila ang World donations ng Yolanda sa sarili nilang interest at naubos na raw, pinagparesign nyo ba si PNOY? Ni hindi nga natupad magpasagasa sa tren dahil hindi niya nagawa ang MRT sa Cavite? Hindi nyo din pinag resign?
Nung magkasira-sira araw-araw ang mga tren, pinagparesign niyo ba si ABAYA?
Nung mag leak ang personal info niyo sa comelec, pinagparesign niyo ba si ANDY BAUTISTA?
Iyong namasaker yong SAF 44 dahil sa desisyon nila ni PNOY at PURISIMA
dahil sa kapabayaan, pinagparesign niyo ba si PNOY?
Nung madami na nakapuna sa kapalpakan ni PNOY. pinagparesign niyo ba amo niyo?
Alam niyo ba kung sino lang pinagparesign niyo? Si CJ RENATO CORONA, dahil panig sa mga pobreng magsasaka ang disisyon niya sa Hacienda Luicita..
Resign DU30 kuno.. eh yung mga sabwat sa krimen sa panahon ni PANOT, bakit tameme kayo? Dahil ba ok lang kay DELIMA kahit alam niyang sagana ang kalakaran ng DROGA sa kulungan? Kasi para kumbinsihin sarili niyo na karapatdapat siya sa pagkapangulo dahil nagpakatanga kayo noon sa EDSA 1, pinanindigan nyo pa katangahan niyo na binoto niyo ang incompetent na taong ito na kayang kaya niyo utuin na namatay yung nanay nyang tinawag nyong Santo? Ang galing niyo rin ano??!!! Wag kayo mandamay ng kamalasan.. Mahiya kayo oy..! kung Ang DILAWAN sangkot sa kabulastugan at Corruption tahimik kayo🤐🤐🤐Yung mga walang kasalanan at hadlang sa mga dilawan yun ang ginagawan niyo ng propaganda para mapagtakpan ang kabulastugan ng DILAWAN🤭🤭🤭
Ni hindi nga nagawang gawin nuon na 5 years ang validity ng driver's license at 10 years sa passport eh... check nyo muna mga biggest accomplishment(s) ni Digong in JUST 2 YEARS.. imagine that, 2 years pa lang naman pero dami na.. FACT CHECK muna bago kuda!



👊👊👊

Address

San Fabian

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baley kun san fabian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share