31/10/2025
𝗕𝗙𝗣, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗧𝗜𝗣𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦
Nagpaalala ang Bureau of Fire Protection o BFP sa publiko na maging maingat at siguraduhing ligtas ang mga tahanan bago bumiyahe o bumisita sa mga sementeryo ngayong Undas 2025.
Ayon sa BFP, bago umalis ng bahay ay siguraduhing naka-unplug ang mga kagamitang de-kuryente gaya ng TV, bentilador, at aircon.
Kung walang maiiwan sa bahay, patayin ang main electrical switch upang makaiwas sa sunog.
Pinapayuhan din ang mga mamamayan na suriin kung nakapatay ang kalan, at kung hindi ginagamit, isara ang regulator ng LPG tank.
Iwasan ding mag-iwan ng nakasinding kandila at huwag mag-imbak ng mga madaling magliyab na kemikal tulad ng gasolina at kerosene.
Paalala ng BFP, ang pagiging maingat ay susi upang maiwasan ang sakuna at masiguro ang isang ligtas at mapayapang paggunita ng Undas.
Source: Bureau of Fire Protection – Public Information Service