21/05/2026
See you at La Mesa Ecopark
Bukas ay International Day for Biological Diversity! Ito ay pagdiriwang upang ating pahalagahan ang lahat ng uri ng buhay at ang kanilang pagkakaugnay. Isa sa mahalagang bahagi ng sari-buhay ay ang mga ibon.
Gaganapin mula 22 May hanggang 31 May, ang Lipád: Raising Awareness on Philippine Biodiversity sa La Mesa Ecopark. Featured sa photo exhibit kuha ng mga bird watchers at photographers ang iba’t-ibang mga bird species ng Pilipinas.
Magkakaroon ng storytelling sessions, bird watching, at nature journaling activities simula bukas hanggang weekend upang mapahalagahan ang sari-buhay (biodiversity). Isama ang inyong pamilya’t mga kabarkada at tingnan ang mga merch mula sa ating mga partners:
Birders on Two Wheels
Bird With Us
Green Corner Books
Jinx Birder Designs
More Than Maya
Ramoochi
Seeing Beyond the Maya
WithLoveCessy
Prize alert!🚨 Mag selfie o groupfie sa exhibit kasama ang mga pictures ng mga makukulay na mga ibon ng Pilipinas! Tag La Mesa Ecopark at samahan ng caption: “Visit La Mesa Ecopark! Happy International Day for Biodiversity!” Ang mapipiling selfie o groupfie ay mananalo ng Php 200 e-GCs!
Kita-kits, mga ka-LME! 🌳🦜🦉🦎🐝🌺