01/06/2022
RiteMED's MED Access free pabili program is now signing off.
Nagsimulang magbigay ng serbisyo na libreng pabili ng gamot ang RiteMED noong May 2020, umpisa ng COVID-19 pandemic.
Takot ang lahat lumabas ng bahay, wala pang bakuna at ipinatupad ang nationwide lockdowns.
In two years and almost 10,000 transactions, ang MED Access program ay maraming natulungang mga senior citizens na makabili ng maintenance medicines, mga taong may kritikal na karamdaman na natulungan nating hanapin ang gamot at kumpletong ihatid ang nasa reseta nila.
Noong mga panahong nagkaubusan sa tindahan ng vitamins, Azithromycin, paracetamol at Losartan tumulong tayong maghanap sa lahat ng branches ng iba't-ibang drugstore chains.
Kasama ng mga delivery riders at ng buong MED Access team, maraming salamat sa RiteMED's leadership team for allowing us to implement this relevant program. π