04/05/2026
Maraming salamat po sa inyong lahat.
Nagsimula lang po ako magbenta ng toys noong Grade 12, at ngayon, habang ako ay gagraduate na ng college, gusto ko pong ipaalam kung gaano kalaki ang naging parte ninyo sa journey ko. Sa bawat order, bawat tiwala, at bawat suporta, hindi lang po ninyo tinulungan ang maliit kong negosyo tinulungan ninyo akong makapagtapos.
Hindi po naging madali ang pagsabayin ang pag-aaral at pagbebenta. May mga araw na sobrang pagod na ako, at gusto na sumuko pero maraming nagpupush sakin na ipagpatuloy maraming salamat din po sainyo. Hindi lang po ito basta pagbebenta para sa akin ito po ang naging sandalan ko habang nag-aaral. Dahil sa inyo, natuto akong maging responsable, maging matiyaga, at mas maniwala sa sarili ko. Sa bawat kita, sa bawat transaction, may katumbas pong hakbang papalapit sa pangarap ko na makapagtapos at ngayon, nandito na po ako. Kaya humihingi rin po ako ng taos-pusong paumanhin kung may mga pagkakataon na mabagal ang replies ko at may delays sa shipments. Lalo na nitong mga nakaraang buwan, naging sobrang hectic po dahil sa dami ng clearance at mga kailangang pirmahan bago makagraduate. Maraming salamat po sa inyong pag-intindi at pasensya.
Hindi lang po kayo naging customers naging parte po kayo ng buhay ko. Kayo po ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito ngayon, handa nang humarap sa panibagong yugto.
Habang ako ay nagtatapos at magsisimula ng bagong chapter, dala-dala ko po ang lahat ng suporta at tiwala ninyo.
Maraming maraming salamat po, mula sa puso 🤍