The Untold Feelings

The Untold Feelings Some untold feelings, Really need to be heared.

24/10/2025

Bakit sa tuwing may pinapakilala sa inyo, dinedeny niyong may partner kayo?😭

22/10/2025

May biyenan ako na kasama namin sa bahay, at lately, sobrang nai-stress na ako sa sitwasyon. Halos palagi siyang humihingi ng pera sa asawa ko, na anak niya, at parati niyang inoobliga sa mga gastusin. Ang usapan namin sa bahay, hati kami sa pagkain at kalahati ng bills, pero parang lagi pa ring sa amin nakatapat ang lahat.

May isa pa siyang anak na babae kapatid ng asawa ko pero sobrang tamad. Bababa lang para kumain, tapos mag-aambag lang ng P600 kada cut-off. Hindi siya tumutulong sa gawaing bahay, ni hindi nagluluto. Minsan nga, ako pa ang nagluluto kahit galing pa ako sa trabaho.

Hindi pa kami makabukod kasi hinuhulugan pa namin 'yung bahay, kaya tiis muna. Pero nakakainis talaga kasi sa tuwing may problema sila, parating ang asawa ko ang hinihingan nila ng tulong. Samantalang may isa pa naman silang anak na halos walang ambag.

Kapag hindi naman nabibigyan ng asawa ko, ako pa ang sinasabihan ng biyenan ko na masama ang ugali at madamot daw ako. Minsan, kahit tahimik lang ako, parang sinasadya niya akong i-provoke. Kaya minsan nasasagot ko siya hindi ko naman sinasadya, pero kasi nakakainit talaga ng ulo. Ang hirap mag-ipon sa ganitong sitwasyon, lalo na't parang kami lagi ang sandigan nila. Nakaka-stress na talaga. 🗣️🥹

Address

Bagumbayan Pob.
Pililla
1910

Telephone

+639350922209

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Untold Feelings posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Untold Feelings:

Share