16/07/2020
Tips para sa mga nag babalak mag alaga ng succulents.
😍😍😍
First.
Normal po na walang soil kapag pinadala ang succulent para maiwasan ang pag ka durog ng halaman (baka kasi magkalat sa box ang soil) at para maiwasan ang moist na galing sa soil na pede nilang ikamatay kapag napatagal sila sa box.
(baka kasi bagong dilig sila kapag binili mo).
Kaya importanteng ginagawa ang airdry process bago ipadala.
*aalisin sa soil papatuyuin ang roots at lilinisin para kahit 5 days pa sila or week mataas ang chance na di masira sa loob ng box.
FAST FORWARD.
Anong gagawin mo pag na recieve mo na ang halaman???
Syempre oopen mo!! Hahaha.
Pero bago tayo pumunta sa taniman portion, tanungin muna kita kung saan mo sila ilalagay para may malupit na tip ako sayo!!!
Intindidihin mo ito maigi. Haha
Direct or indirect sunlight???
Mainit o malilim??
Bakit ko tinanong??
Dahil dito naka dipende ang soil mix na gagamitin mo sa kanila. :)
More soil more moisture.
Less soil less moisture.
Gets??
1)
Kung sa mainit na place mo sila ilalagay.
Make sure na you add more soil kasi mabilis mag eevaporate ang water dahil sa sun heat. Tama? Mas mainit mas mabilis ma dry ang soil. Mas madalas mo din sya didiligan.
2)
Kung sa shaded area naman hindi kailangan ng madaming soil. Why?? Kabaliktaran nung sinabi ko sa una. Magiging Sobrang moist ng medium mo at pede mo mapatay ang succulents mo kaya dapat fast draining yung gamit mo na medium. Less soil para di mag hold ng too much moisture.
Ayos ba?? Iba iba kasi yan dipende sa area wag ka kase gaya gaya. Hahaha.😈
Ok sa taniman portion na tayo!! 😄😄😄
Common question.
After ko ba sila i repot pede ko na diligan??
(muka kasi syang kawawa, kasi tagal nya sa byahe baka uhaw na sya)
No!! No!! No!!!😫😫
Normal yun na muka syang pagod kasi ilang araw sya wala sa soil.
After repoting wag mo syang didiligan!!!
Hayaan mo syang mag stable sa new pot nya at mag recover muna. Atleast 5 to 7 days. Ilagay mo lang sya sa bright area..
Tip ulit.
Dehydrated ang halaman pag kulubot ang leaves. Pero hindi agad sila mamamatay.
Sa pang 8th day nya diligan mo sya ng morning. MORNING!! MORNING!! Ayan inulit ko pa ha morning!! Isa pa. Bago sumikat ang araw. Para ma absorb nya ng maayos ang tubig ok lang kahit paliguan mo. Pero make sure na after mo sya diligan ilagay mo direct sa morning light hanggang 11am ok lang pra matulungan sya ni mr. Sun mag alis ng moist ng soil.
Ccto.