09/11/2020
Sometimes we need to be deaf in discouragement to fullfill our Goal in life...
Narinig mo ba yung kwento
ng isang batang palaka na nahulog sa balon?
Ito yung kwento doon..
Merong isang batang palaka na talon ng talon.
Kakatalon nya nahulog sya sa isang balon.
Ang balon na yon ay wala ng tubig pero maputik.
Marami nang mga patay na palaka.
Marami na din mga buto ng palaka.
Marami din mga buhay
pa pero matatanda na at matagal na doon.
Noong malaglag ang batang palaka don,
nakita nya na di talaga maganda ang lugar na'yon.
Pati ang amoy mabaho nadin.
Kaya wala syang ginawa kundi magtatatalon..
Talon sya ng talon.
Sabi nong mga matatandang palaka...
"Hoy❗️, patpating palaka,
wag ka na magtatalon hindi ka na makakaahon dito. Lahat tayo dito na mamamatay.
Kami nga, dito na tumanda,
dito na nagkandamatay.
Kami nga di nakaahon dito ikaw pa kaya patpating palaka?..
wag ka ng magpumilit"
Pero ang ginawa ng batang palaka, pag nakapag pahinga nya saglit, talon pa rin sya ng talon.
Ang ginagwa naman ng mga matatandang palaka bulyaw ng bulyaw..
"Hoy patpating palaka wag ka ng makulit..
papunta ka palang, pabalik na kame.. kaya di ka na makakaalis dito".
Talon pa rin ng talon ang batang palaka.
Sa katatalon ng palaka naexercise ang tuhod at binti nya.
Tumibay at lumakas ang hita nya.
Unti unti na tumataas na ang talon nya at..
Sa wakas nakaahon sya sa balon na yon!
Nong makita nong mga matatandang palaka, sinigawan sya..
"Hoy patpating palaka papaano ka nakaahon dito?! bumalik ka dito tulungan mo kami para makaahon din kami dito"!..
Ang ginawa ng palaka, nag patuloy sya sa pag talon.. papalayo sa balon.
Ang hindi alam ng mga naiwang palaka sa balon.. BINGI yung batang palaka.
Anong moral lesson nyan?...
Maraming magdidiscourage sayo na maabot ang iyong pangarap.
Maraming negative na tao sayong paligid.
Ano gagawin mo?
Gayahin mo yung batang palaka.
Mahirap maging bingi bingihan kung hindi mo tatakpan ang tenga mo.
Ito ang ipang takip mo..
Change the people around you.
Piliin mo ang mga positibong tao na iyong sasamahan.
Kung hindi naman sila maiiwasan,
ipang takip mo ng tenga ang reason WHY mo.
Yung reason WHY mo..
bakit mo gagawin para maabot ang goal mo.
Para mabigyan ng magandang bukas ang pamilya mo?
Makatulong sa gastusin ng magulang mo?
Makapag retire ng maaga?
Maka bili ng house and lot?
Maka bili ng dream car mo?
Maka pag travel around the world?
Maka pag resign na sa trabaho at makatulong sa kapwa.
Maraming salamat sa pag babasa and
I hope makamit mo din ang
Success sa buhay.
Ctto