Pio & Toy Land

Pio & Toy Land Matibay at Hindi Putso Putso
Japan or Imported toys
Surplus
Second Hand
Branded Toys
Segunda Mano
Mall pull out
bundle toys

Teaser toysToys from Japan, All branded.All like new
16/11/2021

Teaser toys

Toys from Japan, All branded.
All like new

16/11/2021

PLEASE READ:.

Para po sa mga may gusto mag avail o bumili, ito po ung kadalasan na katanungan na sasagi sa inyong isipan .

Question #1:
Bakit po ung iba parang used na?

Answer:
clarify ko Lang po.
PRE LOVED po tayo 😊. Usually galing Japan at original at branded po yung laruan.

Pre loved, surplus, ukay toys, second hand, segunda mano, mall pull out or ano pa man!

Hindi po ito BRAND NEW na katulad ng sa mga mall pero yung panama at panlaban natin ay ang QUALITY and BRAND ng mga laruan or items, yung TIBAY (tatagal dahil di basta-basta masisira), TOXIC FREE (toy na hindi harmful sa mga bata), child recommended (naaayon sa edad at walang matatalim na edges na maaaring maka-sugat sa mga bagets), at higit sa lahat, AFFORDABLE Sa madaling salita po, SULIT NA SULIT.

Hindi sya katulad ng mga laruan sa palangke na saglit lang laruin ng mga bagets, sira na agad.

Meron din naman pong "like new" at "with box" na kadalasan ay stock or pull-out mula sa mga manufacturer. Declared naman po un depende s condition specially pag "AS IS" or "WITH FLAW". KAYA WAG MAHIHIYANG MAG TANONG, PARA PO ALAM NATIN ANG BAWAT EXPECTATIONS.

Question #2:
Sis bakit po may kulang o bawas n po o bakit di na po kumpleto gaya ng sa box?

Answer:
Mga Ma'am/Sir at mga Sis,
Kinukuha ko po ang mga yan ng bulto sa supplier sa kung anong kundisyon at kalagayan na eto ay naka pakete. Naka balot man o naka karton. Kung anu-ano man po ang nasa loob at kalakip o kabuuan ng mga ito, ay hindi ko po alam at wala po akong kinalaman :)

Sasabihin at naka indicate naman po kung ano po yung kondisyon ng laruan sa post. May mga pag kakataon na halos di pa nagalaw o nagamit ang mga laman at may mga pag kakataon naman na katamtaman lang. Sabi nga nila, "JACKPOT-AN" hindi po 100 per cent very good. Yung iba po "AS IS".

Question # 3:
Sis pag kumuha po ba ako nang 2 o higit pang laruan free shipping na? Bakit may SF pa?

Sagot:
Hindi po, may bayad po talaga, lalo s malalayong lugar. Maliit lang po ang mark up or tubo ko sa kagustuhan namin na mas madami maibenta at dumami ang suki nmin. Subalit wag po kayo mag alala sapagkat naka dukomentado nman ang "waybill" sa mga bus at Freight Company. At kung lalamove naman, naka public nman po palagi ang kanilang rate upang siguradong tama at sakto ang ibinabayad nyo.

At kung malapit naman po at around napico po at kaya naming ihatid sa inyong bahay, o maki pagtagpo (meet up) handling fee nalang po ang inyong ibibigay sa napaka liit na halaga.
Pero syempre kung pick up po s aaming tahanan libre na yun syempre .

Tanong #4:
Bakit po ang laruan ay mag kaiba ang halaga (mas mura/mas mahal) ngayon kaysa sa dati kahit magkapareho lang naman ang itsura at yari?

Sagot:
Magkaka-iba po kasi ang dating (batch) ng mga laruan. Ang mga kadahilanan po ay ang mga sumusunod:

1) Mas mainam ang kundisyon, maaaring may karton pa;

2) Mukang tila bagong-bago at malinis; at

3) Naka diskwento (discount sale), naka promosyon (promotional sale) o pag babago/pag papaubos (Clearance sale) ng mga produkto.

Sa kahit anu pa mang sitwasyon at pagkakataon, Nasisiguro parin po nmin na kumpara sa karaniwang mercado, higit na mas mura at may kaledad parin ang aming mga produkto - mas mababa ang halaga ng halos 70 hanggang 75 pursyento. :)

Shipment:

1) NCR - Lalamove, Grab, fast express, at Mr. Speedy
2) Nearby provinces - J&T, MCFA, LBC & JRS
3) Luzon Wide - Victory Liners, Partas, Viron, 5 Star, Jack Liner
4) Visayas and Mindanao - Phlitranco, CaPex & ApCargo.

Payment:
1) GCASH
2) BANK TRANSFER
3) PALAWAN
4) CEBUANA

Please send to us your complete details. Thank you.

Address

Kalamansi Street Napico Manggahan
Pasig
1611

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pio & Toy Land posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category