15/04/2025
Good Day mga ka Vendors inilalapit ko po sa inyo ang vendors party list, ang partylist na pra talagang pra sating mga vendors.maganda po kanilang. adhikain pra sa ating mga vendors.
Binigyang diin ni Tita Malu Lipana, 1st Nominee ng #67 Vendors Partylist kaninang umaga sa Radyo Natin Nationwide ang ilan sa mga tanong ng Vendors tungkol sa kanilang mga adbokasiya.
Ayon kay Tita Malu, isa sa sinisigaw ng vendors ay ang palaging problema nila sa puhunan.
"Lagi ko po sinasabi sa kanila na hindi solusyon ay ang mangutang ng mangutang, lalo na kung napaka laki ng interes."
Ayon kay Tita Malu isa sa mga plano nila sa Vendors Partylist ay matulungan ang maliliit na vendors na hindi mabaon sa utang.
Dagdag pa niya,gagawa sila ng kooperatiba na lahat ng miyembro ng vendors ay pwede humiram ng pang puhunan na walang malaking interes.
"Maglalagay tayo ng seed money sa
kooperatiba sa ibat bang lugar kung saan sila sila rin angmag papatakbo. Kumbaga cooperative lending with low
interest rate."
Kanya ring ibinahagi ang plano nito para sa problemang pangkalusugan ng mga vendors.
"Basta myembro ng vendors partylist, wala nang guarantee letter or deposito na
ilalabas sa private ospital, ipapakita lang ang membership card na samahan ng vendors makakapag avail na sila ng medical services."
Ito umano ang dalawa sa pinakamalaking problema madalas ng mga vendor, puhunan at problema sa kanilang kalusugan na gusto nilang masolusyunan.