14/06/2018
SPOTTED PPM MEMBER! 😍
She quoted:
"KATAS PLANPROMATRIX!
Busy maghapon dahil ito po inasikaso ko. 🙂 My katas PPM! Ang sarap tignan na ito na talaga siya, Goal Achieved na. 💪
Buti nalang talaga at nakilala ko ang PPM. Ramdam na ramdam ko yung pagbabago na hatid nito sa amin. Bukod sa nakakatulong na ako sa magulang ko, nabibili ko na din kung ano ang gusto ko at ito po ay hindi sa pansariling interest lamang!
Hindi lamang panghataw sa PPM kundi gagamitin din ng dalawa ko pang kapatid na nag-aaral. Noong ako yung nag-aaral kailangan pang pumunta sa Computer Shop para makapag-research.
Sobrang blessed din naman ako, buti nalang may mabuting tao at matalik na kaibigan or sabihin ko nalang na parang nakakatandang kapatid ko na, yung kahit di namin kaano-ano eh ni minsan di naging madamot, napakalaking bagay yung niregaluhan ako ng "laptop" at yun naman ang ginamit ng pangalawang kapatid ko na ang kurso ay Computer Secretarial. Ang bait ni Lord dahil may mga taong ganito sa mundo. 😍 Salamat!
Hindi rin namin kasi afford dahil mas inuuna ng magulang namin yong kailangan sa araw-araw, apat din kami na sabay-sabay na nag-aaral noon, idagdag mo pa ang allowance, bill sa kuryente at tubig at iba pa.
Payo ko lang po sa mga gustong mag-member at mga member na, wag urong-sulong po sa mga sasali at gustong sumubok, hindi niyo malalaman kung hindi niyo susubukan, sa mga member na tuloy-tuloy niyo lang po ang nasimulan, pag-aralan niyo ng mabuti po ang sistema, sabayan niyo din po ng sipag at tiyaga din. Maging determinado lang po sa ginagawa para balang araw makita niyo din ang resulta sa inyo. 🙂 Hataw lang mga kasama!
THANK YOU SO MUCH LORD FOR THE UNENDING BLESSINGS."
😎