05/04/2022
March 26, 2022 | We shared 464 mini cupcakes to CaMaNaVa Rock & Rosas attendees! 🧁💗
Goal was 500pcs kaso nagkamali ako ng bilang. Kaya pa ng supplies pero di na kaya ng oras to bake another batch to fulfill the target but still, it was more than double ng dala natin sa PasigLaban (200pcs). 😊
As usual, I took public transportation (to lessen my carbon footprint. Char!) dahil ang mahal ng cab/Grab. Took me 2 jeepney rides, LRT from EDSA to 10th Ave, then trike to the venue. Ambigat pala, sobrang sumakit katawan ko. LOL. Hanggang 500pcs lang siguro limit ko if mag-public transpo lang. Need nang may sasakyan if more than that. 😅
Maraming salamat sa lahat ng umorder since I restarted baking, at sa mga nagpaabot ng donation pandagdag pambili ng supplies para sa mga pinamahagi nating cupcakes sa nagdaang 2 rallies. Malaking bahagi kayo ng cupcake initiative na ito. Maraming salamat po kina: Lola Cherry Flores, Miles Rafael, Aries Montilla, Catherine Escario Santos, Honeyleth Escario-Flores, Trish Espano-Rivera, Pollasgo-Dela Pasion, Mela Salonga, Jo de Leon, Helen Andrade, Rea Balosbalos, Sarah Sudario, Ruby Javier Yusi, Sarah Peñaflorida, and Reiya Pechangco-Cuebillas. If may nalimitan akong pangalan, blame my listahan not my heart. Char! Thank youuuu! 💗💗💗
Aside from cupcakes, mamimigay rin tayo ng bottled water sa next sortie na mapupuntahan within or near Metro Manila - 200pcs na 500ml. Baka madagdagan pa dahil may mga panibago tayong cupcake orders at additional donations. 🤗
Sobrang nakakapagod pero sobrang saya. Andaming kwento palagi sa mga sortie, ang hirap lang ilagay lahat sa isang FB post. Sa ngayon, pahinga muna ako sa pag-attend ng mga grand rally dahil sa mga house-to-house activities naman tayo makikibahagi. Takits! 🤘💗