Ukay Aklat

Ukay Aklat Got some confession you want to take off your chest?! Do it with us! You may message the page directly or email us at [email protected]

"Makalipas ng isang taon, naglilinis ako ng story books ng anak ko, nakita kong nakaipit dun yung passport.."January 202...
04/08/2025

"Makalipas ng isang taon, naglilinis ako ng story books ng anak ko, nakita kong nakaipit dun yung passport.."

January 2023
Nakaimpake na ako sa pink kong maleta, at 2 steps away nalang from the flight.

Nawala yung passport ko.

Narealize ko na nawawala yung passport ko pagkauwi ko galing sa medical. I'm 25 years old way back then nung nakapasa na magtrabaho sa Malaysia. Bukod sa nawalang passport, kaliwa't-kanan ang mga problema para lang umabot ako sa punto ng medical. Naubusan kami ng ganito, kailangan ng gatas at diaper ng anak ko, wala akong sapat na ID o pamasahe para makakuha ng ID. Walang mautangan, ang hirap ng gasya. Hirap na hirap kaming mag-ina kakaayos ng papeles ko. Sinubukan kong magparush ng ID pero dahil nga walang pambayad ay inabot ng Isang buwan bago ako nakapag pagawa, bukod pa dun ay hindi na ako hinintay ng employer ko.

Hindi ako nakaalis. Yakap-yakap ang 2 years old ko palang na bunso nun, hindi ko magawang manghinayang kasi parang deep inside ayoko siyang iwan. Sa kabilang banda, gusto ko talagang mabigyan ng magandang buhay ang dalawa kong anak bilang single mom ako.

Makalipas ng isang taon, naglilinis ako ng story books ng anak ko, nakita kong nakaipit dun yung passport. Naalala ko bigla yung mga nangyare, nakita ko yung first steps ng anak ko, wala akong na-miss na milestone. At sa lumipas na taon ay nakilala ko pa yung partner ko ngayon.

Ngayon, super close naming mag-iina, habang sabay na kami ng partner ko nag-apply ulit pa-balik ng Malaysia.

- - -

"Napapasa sakin ang mga responsibilidad nya sa bahay, sa mga kapatid namin at maski sa pag-aaral." Ang ate kong tomboyI'...
04/08/2025

"Napapasa sakin ang mga responsibilidad nya sa bahay, sa mga kapatid namin at maski sa pag-aaral."

Ang ate kong tomboy

I'm 44 years old guy na may ateng tomboy. Lumaki kaming apat na magkakapatid na siya ang pala-barkada, tamad mag-aral, madalas nahuhuli ng nanay namin sa tongits-an o bingohan at literal na puno ng mga kalokohan. Idagdag pa ang katakot-takot na litanya ng nanay namin dahil nga sa hindi tanggap na tomboy si ate (this was around 1990's)

Bilang panganay na lalaki, masakit ang ulo ko sa kaniya. Napapasa sakin ang mga responsibilidad nya sa bahay, sa mga kapatid namin at maski sa pag-aaral. Kinailangan kong mag-aral sa umaga at pumasok sa fastfood sa gabi para lang may maipangtulong sa mga magulang namin. Nagtapos ako ng kolehiyo nang ganun ang set up namin.

Mahirap man, sa kalaunan ay umayos ang buhay ko. Nag-seaman ako at naging kapitan pagkatapos ng halos isang dekada na pagbabarko (bawat baba ng barko, review at exam ang ginawa ko), naipagpatayo ko ng bahay ang mga magulang at kapatid ko na tinuturing naming family house, sa akin rin galing ang unang sasakyan nang pamilya. Nadala ko na rin sa ibang bansa ang mga kapatid ko para lang magbakasyon.

Habang siya naman nagtrabaho sa iisang kumpanya buong buhay nya (hanggang ngayon nandun parin siya) at na-promote na bilang trainer, medyo tumaba na at kahit medyo magastos ay atleast nasasabayan na nang sahod niya.

Nasa ibang bansa na ako nakatira ngayon at may sarili nang pamilya. Ganoon rin ang mga kapatid kong babae at lalaki, may kanya-kanya nang pamilya. Habang tumatanda ang nanay ko, madalas na pinansyal lang na agapay ang naibibigay ko, ang nakakasama niya talaga ay yung ate Kong tomboy, siya lang daw kasi ang walang anak kaya siya nalang daw ang mag-aalaga kay mama.

Lumaki man akong puno nang duda sa diskarte nya sa buhay, siya rin yung nagpatanto sa akin na baka iba iba lang talaga ang role natin sa buhay at success ng isa't-isa. At nagpapasalamat ako sa pag-aalaga nya ngayon sa aming ina.

- -

"To my sister from another mother, malayo pa tayo, pero malayo na rin.." BFF since grade 4Maiksi lang po ito pero I'm de...
03/08/2025

"To my sister from another mother, malayo pa tayo, pero malayo na rin.."

BFF since grade 4

Maiksi lang po ito pero I'm deeply thankful. Rcently, napapadalas ang daan ng mga quotes sa newsfeed ko stating na 'yung mga taong dating kausap mo sa assignments - kausap ko na about sa properties ngayon..' basta ganyan.

I can relate to this. I have a bestfriend since 2007. 2 years old palang si YouTube, kasoundtrip ko na yung taong yun. Kapalitan ko pa ng sulat every week, kasama ko hanggang after class at parang bahay na namin ang bahay nang isa' t-isa. Ilang hairstyle na ang pinagdadaanan naming dalawa, ilang phase ng mga pagmumukha namin haha!

She's 29 now and I'm 27, magkasama na kami since grade 4 until now with two other girls in our gang which eventually napahiwalay lang rin yung isa. Siya yung legit na kausap ko from assignments into thesis into looking for a job into our current state - kung paano yayaman 😅.

To my sister from another mother, malayo pa tayo, pero malayo na rin. Kapitan natin nang sabay ang tagumpay ng buhay. Salamat sa lahat ng mga bagay na inilaan natin ng sabay sa pagkakaibigang we know for sure is worth it already. Maraming dadating, but I know we always have each other's back.

- - -

"Deep inside, thankful ako sa inyo." I'm now 28(F), at namatay ang parents ko nung nasa college pa ako. Habang uma-atten...
03/08/2025

"Deep inside, thankful ako sa inyo."

I'm now 28(F), at namatay ang parents ko nung nasa college pa ako. Habang uma-attend kami ng debut ng isa't-isa, uma-attend sila ng burol at libing ng mga magulang ko. Unang nawala si mama dahil sa sakit na cancer, sumunod rin si papa kalaunan na namatay sa atake naman sa puso. Sobrang hirap ng naging buhay ko kasagsagan ng college pagkatapos bilang laki akong may yaya at talagang prinsesa. Buti nalang nakapag-pundar ang mga magulang ko ng bahay kaya hindi ako sa kalsada pinulot.

May mga pagkakataon na nag papa video call pa ako sa mga kaibigan ko dahil na realize ko, hindi ko pala alam paano magsaingo magluto ng maayos na ulam.

Salamat sa mga kaibigang hindi ako hinusgahan nung unang beses akong nagpatawag ng group meeting para magpaturo kung paano magsaing. Ngayon, may dalawa na akong anak at lumalaban parin sa buhay. May iilan sa kanila nalalapitan ko parin sa oras ng pangangailangan, hindi ako masyadong nagpapasalamat kasi nakaka-durog talaga ng pride pero deep inside thankful ako sa inyo.

"Pero ngayon kaya mo na.." ni manong sorbetero I'm 23 (M) on a crucial existential crisis. Hindi ko talaga alam ginagawa...
03/08/2025

"Pero ngayon kaya mo na.." ni manong sorbetero

I'm 23 (M) on a crucial existential crisis. Hindi ko talaga alam ginagawa ko sa buhay ko. Baon ako sa utang sa lending apps at hindi ko makuha yung satisfaction sa trabaho na meron ako. I guess most of my generation will agree that our parents is not that approachable at all.

I planned to kill myself this morning. I know when you google how to kills yourself, lalabas yung "seek help" instead kaya hindi ko na ginawa. Basta parang gagayahin ko nalang yung sa mga horror movies kung paano magbigti. Kinuha ko yung coin purse ko dahil di naman ako nagwawallet, bibili na ako ng lubid sa hardware.

Sa daan, nagsimulang umulan. Wala akong payong kaya kahit alam kong mamamatay na ako ay sumilong parin ako. Mahirap yatang magbigti nang may sipon. Dumaan sa harap ko ang nauulanang manong na tulak tulak yung cart nya nang dirty ice cream. "Sino namang bibili nyan ngayon?" Palayo na siya pero nakatingin parin ako sa kaniya nang bigla siyang natumba kasama nung cart. May kung anong tumulak sakin para tumakbo sa ulan at tulungan si manong. May bato daw Sabi niya hindi niya nakita kaya natumba yung cart at dahil mabigat, napasama tuloy siya. Kita ko ang patunaw chocolate at cheese ice cream sa loob.. "Kuha ka. Libre. Tara dun sa silong." Sabi ni manong na nakangiti pa kahit medyo paika maglakad. Hindi ko alam pero para akong batang nasisiyahan kasi nakakaligo sa ulan habang first time Kong magtulak ng I've cream cart "pangarap ko to dati manong kaso mabigat." Nginitian nya ako pero seryoso ang titig sa mata ko, "..pero ngayon, kaya mo na." Bigla kong naalala bakit ako lumabas. For some reason nangilabot. Parang hindi tungkol sa cart yung ibig sabihin ni manong. Nagkwentuhan kami na nagawa nya na daw kasi yung ice cream kaya might as well ilako na, mainit naman daw kanina at di niya inaasahang uulan. Imbitahan ko daw siya sa mga party at bibigyan nya daw ako discount. Tinuruan nya rin ako gumawa nang ice cream kung gusto ko daw magnegosyo. Tinanong ko magkano yung kapital niya para sa ice cream na ginawa niya ang Sabi niya ay 800 daw. Bigla ko siyang inabutan ng 1k, Kumain ako ng Kumain nang ice cream at kwento lang ng kwento si manong, happy hormones daw yung ice cream at kung ano ano.. binigyan namin yung mga nastranded dun sa ulan, at yung 300 pinambili ko ng tubs. (Believe it or not, general merchandise store yung tinambayan namin ni manong)

Ngayon, Patay na dapat ako. Nakasabit sa kisame sa lubid na sinadya ko pang bilhin. Naging hunted house pa dapat tong apartment. Instead, nagtatype ng ipapasa ko para sa confession habang kumain ako ng ice cream ni manong sorbetero.

16/07/2025

15/07/2025

Address

Parañaque

Telephone

+639603924131

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ukay Aklat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category