07/09/2021
Ang tamang pagbigkas ng SARRC or Search and Rescue Riders club
🛑Ano ba talaga ibig sabihin ng tunay na Rider?!
Ang tunay na rider ay tumutukoy sa isang taong nakasay sa motor.
Bata, matanda, may ngipin o wala. Babae, lalake, tomboy o bakla.
Pasaway, Disiplinado, may Helmet o wala. Pang Laruan, Pang hanapbuhay, may sidecar or wala.
Lagyan mo ng passion or kahit wala. Gusto mo mabilis or kahit mag bagal ka.
Bastat ang sinasakyan mo ay may makina at dalawa ang gulong. Rider ka na.
RIDERS
🛑 R-responsible
🛑 I-integrity
🛑 D-dignity
🛑 E-entertaining hehehhe....
🛑 R-respect
Kung minsan, iniisip ng mismong organisasyon kung ano ang layunin ng umaanib sa isang Riders Club gaya ng SARRC. Bakit nga ba sumasali ang ilan? Dapat isa-alang-alang ito ng kinauukulan o opisyales ng naturang samahan upang malaman at mabatid kung ka-layunin ba nila o kaisa ang isang indibidwal na rider sa pagsali sa nasabing organisasyon.
At sa mismong motorista o isang rider, anu-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsali sa isang grupo tulad ng SARRC. Kaisa ba siya o sila sa layunin at magandang motibo ng grupo?
Narito ang ugali o diwa ng isang motorista sa pagsali sa isang MOTORCYCLE CLUB.
🛑Hindi sumali upang makinabang o bigyan papuri ng sarili. Kaya ka sumali ay upang mapunan at malibang sa iyong pagiging motorista. Hindi ka sumali upang maisakatuparan ang iyong pansariling pakinabang.
🛑Kaya sumali ay upang magkaroon ng bagong kakilala at kaibigan. Hindi mo dapat sila gamitin upang maabot ang iyong self interest. Sumali ka dahil ibig mong malinang ang iyong self-confidence at self-esteem.
🛑Hindi ka sumali upang mang-abuso ng iyong kasamahan sa naturang organisasyon gaya ng pangungutang, paghingi ng pabor na nauuwi sa pang-momolestiya ng kasama. Sumali ka upang makatulong sa kapwa at hindi ikaw ang dapat tulungan gets mo.
🛑Hindi ka sumali para magpasikat o maghambog sa iyong kapwa. Kahit na kasali ka ay dapat panatilihin ang pagpapakumbaba. Hindi ka rin sumali upang pumorma sa ibang motorista. Tandaan na ang essence ng pagsali sa grupo ay magsilbi sa kapwa, kalikasan, sa inang bayan at sa Diyos.
🛑Na kaya ka sumali ay para maibsan ang nararamdaman mong mababang tingin sa sarili kung mayroon ka mang nararamdamang panlulumo. Ang mga kasamahan mo sa club ang siya mong maituturing karamay at sandalan. Sila ay maituturing mo ring pamilya. At bilang isang pamilya, ituring silang tunay na kadugo. Tandaan, na kapag mayroong pagkakataon sa iyong buhay na wala kang malalapitan, ang grupo ang tutulong sa iyo. Ohh Diva!!?
🛑Na kaya ka sumali ay upang magsilbing halimabawa sa ibang motorista na waring naikakahon ang pagiging motorcycle rider. Hindi dapat sarilinin ang kaloob na biyaya at natatamong pagpapahalaga ng mga kasamahan. Mas marami mas maganda at mas masaya. Mas mapapadaling maisasaayos ang mga pinapanukalang proyekto at planong makabuluhan kung marami ang involved dito.
🛑Kapag ikaw ay kasali na ang layunin ay para sa sarili lamang. Nagiging pabigat ka lang sa grupo. Kapag nalaman nila ang iyong mga baluktot na layunin, ikaw din ang mawawalan ng pagpapahalaga, ang pag-ibig gaya ng pagdamay ng isang kapatid sa panahon ng kagipitan.
🛑Kapag may problema ka wag mo idamay Ang club. Dahil Hindi solution Ang galit at inggit sa iyong loob, walang best friend dito or kakampi maging responsible ka dapat, dahil dito pantay pantay, Riders ka alam mo Ang goals mo! Hindi ito labanan, dito mag tulongan wag onahin Ang pride. Pls RIDERS be responsible.
If You Want To Join Our Club Pls.Just Send Me A Messege or Just pm to press Yrral Coleman Polea.....thank you....
We Rides To Save Life😘😘😘❤❤❤