21/02/2022
โโ
Share ko lang tong isang savings account ko sa isang bangko. Meron akong naiwan na 7,321php. Tumubo sya ng 2.42php sa isang buwan, pero nabawasan ako ng 0.48php dahil may interest. Ang total na tinubo ng 7,321php ko ay 1.94php lang. Sa loob yan ng isang buwan ha. Wala pang Dos ang tinubo.
Sa normal na tao, okay lang naman kasi ang bangko taguan lang naman ng pera. Pero sa mga entrepreneur at business minded, ang bangko, ay mode of payment namin. May papasok na pera pero lalabas din agad yan dahil ipambibili ng stocks yan.
Ano gusto kong sabihin? Kung ikaw mismo mag nenegosyo at gagamit ng 7,321php mo. Sa tingin mo ba dos lang kikitain mo sa loob ng isang buwan? Hindi. Bakit hindi mo subukang isugal sa negosyo ung pera mong nakaupo lang sa bangko na piso piso lang ang kinikita. Instead na si bangko ang kumikita sa pera mo bakit hindi ikaw?
Madami satin takot sumugal (hindi sugal na literal), takot mag negosyo kasi iniisip malulugi agad. Pero hindi nyo ba naisip na mas malaking lugi ang pagpapalampas sa opportunity na nandyan na.
Kung hindi ako nagtry mabenta ng ukay at di ko sinugal ang 10,000php na savings ko noon, hindi ako magiging supplier ngayon. Kung itinabi ko lang sa bangko ang 300,000php na naipon ko sa pag reretail noon, hindi ako nakapag truckload at hindi ako nagka bodega ngayon. Kung hindi ako nagbodega, at inipit ko lang ang pera ko sa bangko, wala akong mga napundar ngayon dahil si bangko lang ang hinayaan kong gumamit ng pera ko.
Walang masama mag ipon, good yan. Kahit ako may kakaonting savings, di yan dapat mawala. Pero pwede kang kumurot sa savings mo para mas mapalaki mo ang laman ng bank account mo. Kung wala ka namang paglalaanan, bakit di mo subukang palakihin pa. Kahit ano pang negosyo yan, kahit fish bolan pa yan. Kung makakatulong sa araw araw mong gastusin, wag mong ikakahiyang gawin.