01/06/2026
Gusto mo bang mabenta ang old coins mo? 💰
I-check mo muna dito ang tunay na halaga nito ngayon. 👇
✅ Ang ilang lumang barya ay nabibili ng ₱50 hanggang ₱150+ bawat isa kung maganda pa ang kondisyon at may collector demand.
✅ Mas madaling mabenta ang old coins kapag kumpleto ang set o magkakasunod ang mga taon. Ang halaga nito ay maaaring umabot sa ₱500 hanggang ₱1,500 o higit pa depende sa klase ng barya at kondisyon nito.
✅ Pinakamahalaga ang kondisyon. Kapag uncirculated o parang bagong-bago pa ang barya, mas mataas ang collector value nito.
❌ Kapag circulated, gasgas, o sobrang gamit na ang barya at common lamang ang taon, kadalasan ay wala na itong collector value at maaaring mabili lamang sa halagang ₱5 hanggang ₱10 bawat isa, depende pa rin sa buyer.
Kaya huwag agad maniwala sa mga post na nagsasabing napakataas ng halaga ng lahat ng lumang barya. Alamin muna ang tunay na market value bago magbenta o bumili.