19/01/2022
Dear Beloved,
Parang ang ikli palang naman nating nagkasama pero halos lahat ng ikakabadtrip natin sa isa't isa, nakita na natin.
Truly, FALLING IN LOVE is easy. Yet, STAYING IN LOVE is not. Kaya pala patuloy tayong nagmamahal kasi patuloy tayong lumalaban.
Araw araw, may nakikita akong rason na iwan ka.
Araw araw, may nakikita akong mas higit sa'yo.
Araw araw, mas iniisip ko nalang na mag isa kasi parang ang toxic na minsan.
Pero kapag tinignan na kita. Mata sa mata, nareremind ako na ikaw yung binigay ng Diyos sa akin. Tamang kapareha na inilaan sa akin. π
Di ko maikakaila, sobrang dami mong inilabas sa akin.
Mga bagay na di ko akalaing kaya ko pero nagawa ko. That's you!
Mga taong iniwan ko, just to be in our journey. Masakit pero kinaya ko. Because of you.
Mga achievements na natanggap ko, NG DAHIL SA'YO!
Araw araw, mula ngayon, MAS PIPILIIN KITA!