Paulines - NAGA - Media Center

Paulines - NAGA - Media Center PAULINES MEDIA CENTER is a center of light for anyone searching for Christ's truth and grace. It is an APOSTOLIC CENTER of the DAUGHTERS OF ST. PAUL...

18/08/2026

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ฅ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ 18, 2026 โ€“ ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ, ๐ˆ๐ค๐š-20 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข...

18/08/2026

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ฅ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ 18, 2026 โ€“ ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ, ๐ˆ๐ค๐š-20 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง
Kapistahan ni Santa Elena
Unang Pagbasa: Ezekiel 28, 1-10 | Salmong Tugunan: Deuteronomio 32



Ebanghelyo: Mateo 19:23-30
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Talagang sinasabi ko sa inyo: mahirap makapasok ang mayaman sa Kaharian ng Langit. Oo, maniwala kayo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Langit.โ€ Nang marinig ito ng mga alagad, namangha sila at sinabing โ€œKung gayon, sino ang maliligtas?โ€ Tinitigan sila ni Hesus at sumagot: โ€œImposible ito para sa tao; Subalit sa Diyos, lahat ay posible.โ€ Nagsalita si Pedro at sinabi:โ€Iniwan namin ang lahat para sumunod sa iyo: ano naman ang para sa amin?โ€ โ€œTalagang sinasabi ko sa inyong mga sumunod sa akin: sa Araw ng Pagbabago, pag-upo ng Anak ng Tao sa kanyang trono nang buong kaluwalhatian, uupo rin kayo sa labindalawang tribu ng Israel. At ang mag-iwan ng mga tahanan, mga kapatid, ama at ina, mga anak o mga bukid alang-alang sa pangalan ko, tatanggap siya ng sandaang beses at makakamit ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.โ€

Pagninilay:
Nang marinig ng mga alagad na mahirap makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman, agad silang nagtanong: "Kung gayon, sino pa ang maliligtas?" Marahil iyan din ang tanong natin ngayon. Sa dami ng ating kahinaan, pagkakamali, at pagiging attached sa mga bagay ng mundo, may pag-asa ba tayo?
Hindi naman sinasabi ni Jesus na masama ang maging mayaman. Tungkol sa pusong nakakapit sa kayamanan kaysa sa Diyos ng babala Niya. Hindi lang pera ang tunay na "kayamanan". Maaari itong maging posisyon, tagumpay, reputasyon, kaginhawaan, o kahit ang ating sariling kagustuhan. Kapag ang mga ito ang naging sentro ng ating buhay, unti-unting nawawala ang ating kalayaang sumunod sa Diyos.
Napakaganda ng sagot ni Jesus: "Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay." Mahalagang paalala nito. Hindi natin kayang iligtas ang sarili sa pamamagitan lamang ng ating lakas o kabutihan. Biyaya ng Diyos ang kaligtasan. Isang pusong handang magtiwala at magpasakop sa Kanya ang kinakailangan.
Nang sabihin ni Pedro na iniwan na nila ang lahat, hindi siya sinaway ni Jesus. Sa halip, tiniyak Niya na walang anumang isinakripisyo alang-alang sa Diyos ang masasayang. Maaaring hindi agad bumalik ang gantimpala sa paraang inaasahan natin, ngunit hindi kailanman nagkukulang ang Diyos. Nakikita Niya ang bawat kabutihan, bawat sakripisyo, bawat tahimik na pagtitiis.
Tanungin natin ang ating sarili: Ano ang pinakamahirap kong bitawan upang makasunod kay Jesus? Ano ang humahadlang sa aking lubos na pagtitiwala sa Kanya?
Hindi ang maraming ari-arian, kundi ang pusong malaya ang tunay na kayamanan. Sapagkat ang taong hindi kumakapit sa yaman ng mundo kundi sa Diyos bilang pinakamahalagang kayamanan ang siyang tunay na mayaman.
Sr. Deedee Alarcon, fsp | Daughters of St. Paul

18/08/2026
18/08/2026

GOSPEL POWER
August 18, Tuesday, 20th Week in Ordinary Time
Mt 19:23-30
1st Reading- Ez 28:1-10

17/08/2026

Address

Bagumbayan Street
Naga City
4400

Opening Hours

Monday 8:30am - 5pm
Tuesday 8:30am - 5pm
Wednesday 8:30am - 5pm
Thursday 8:30am - 5pm
Friday 8:30am - 5pm
Saturday 8:30am - 4pm

Telephone

+63544737784

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Paulines - NAGA - Media Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Paulines - NAGA - Media Center:

Shortcuts

Share