05/02/2026
๐ BOOK FOR THE DAY ๐
Iniwasan ni Gayle na maungkat ang pangit na alaala sa pagitan nila ni Siedfred pero mukhang hindi ito tatahimik hangga't hindi ito nalilinawan sa ginawa niyang pag-iwas at pambabale-wala rito noon. Gusto niyang magmatigas, panatilihin ang propesyonal na relasyong dapat lang na mamagitan sa kanila, pero hindi lang iyon ang gusto nito. He bluntly told her he desired her and presented her an indecent proposal. Ibabalik nito ang bahay nilang nabili nito kapalit ng hinihingi nito - to have her in his bed.
Hindi niya alam kung paano siya napapayag nito, kung paanong sa kabila ng hinanakit ay nagawa nitong pukawin ang damdaming akala niya ay wala na. He made her fall in love with him all over again. At na-realize niya, hindi na lang ang mga bagay na nawala sa kanya ang gusto niya, kundi pati ang puso nitong matagal na niyang inaasam pero mukhang malabo pa rin niyang makuha...