Notebook ni Brigiboi

Notebook ni Brigiboi ang notebook ni Brigiboi ay mga pinagsamang original at hiniram na jokes

06/08/2023

MISIS: dok... worried ho ako sa asawa ko... baka po may problema na siya sa pag iisip???
DOKTOR X: bakit mo naman nasabi?
MISIS: eh kasi po ... nagpalitrato ho siya ng hubo't hubad!!!!
DOKTOR X: Baka naman mahilig lang sya sa artistic expression. Para saan ung litrato?
MISIS: Sa driver’s license nya, Dok.

05/02/2022

2 lasing nagtatalo kung sino ang mas matapang
Umalis ang unang lasing. Pagbalik my tilamsik ng dugo sa katawan,

L1: kita mo yung traysikel na yun?
L2: oo

L1: ginulpi ko yung drayber at 2 pasahero.

Umalis yung pngalawang lasing. Pagbalik punong-puno ng dugo,

L1: astig ka. grabe andaming dugo. ano nngyari?

L2: kita mo yung bus na yun?
L1: oo

L2: ako hndi ko nakita.. dalhin mo ako sa ospital

05/02/2022

Sa turo-turo.“Miss, may langaw sa arroz caldo ko!” Tindera:“Sa halagang 5 piso, anong ine-expect mo, manok?”

27/08/2021

Kagabi naglalakad ako sa mall,,,, may nag alok ng s*x with a hot model daw. Ang kapalit lang daw non mag advertise ako ng isang bathroom cleaner dito sa Facebook.

Syempre hindi ako pumayag. Mataas moral ko! Ano ako uto-uto?! S*x lang yan.

Malakas ang control ko! Kasing lakas ng DOMEX, the incredibly strong bathroom cleaner na talagang nakakalinis at nakakapatay ng germs at available pa yan in lemon scent in 9.50 php nalang 30% discount.

23/07/2020

BALIK TANAW JOKE:

BATA: wala akong kwentang anak para sa inyo! lahat ng gawin ko mali! di n’yo na ko mahal!

AMA: nagkakamali ka anak….

BATA: syet! mali na naman ako

23/07/2020

BALIK TANAW JOKE:

Question: Ano ang similarity ng UTOT at TULA?

Answer : Pareho silang nagmula sa POET!

22/05/2020

ENGINEER VS DOCTOR

problematic yung isa kong kaibigan na ENGINEER..... kasi maa assign siya sa dubai ng 12 days.... eh makulit din yung karibal niya... na isang poging doktor...

Kuya Briggs.... paano ba gagawin ko eh. baka malampasan ako ng diskarte ng doktor na yun sa nililigawan namin....

sabi ko... simple lang yan ..padalhan mo ng 12 prutas ng mansanas......

ENGINEER: kuya briggs naman bakit mansanas.. di ba dapat roses......???

BRIGGS: tange ka pala eh... kaya 12 pirasong mansanas kasi 12 days kang wala sa pilipinas.... yung basket ng mansanas lagyan mo ng card eto isulat mo...." AN APPLE A DAY KEEPS THE DOCTOR AWAY" hehehe yan na yun!!!! ayusss

30/08/2019

PAREKOY: parekong brod... paano ko ba sasabihin sa asawa ko na love ko siya kahit mataba siya?... yung hindi siya ma ooffend sa salitang mataba siya???

BRIGIBOI: simple lang yan parekoy.... sabihin mo sa asawa mo... honey i love you just the WEIGH you are!!!!

30/08/2019

Man: Doc, help me uminom ako ng baygon.
Doc: Bakit, magsusuicide ka?
Man: Hindi. Nakalunok kasi ako ng buhay na ipis.
Doc: Tange! Dapat kumain ka na lang ng tsinelas.

28/08/2019

TECHIE: ayaw ko na sayo!!!! masyado kang makwenta!!!

BRIGIBOI: oyy hindi totoo yan!!!! maski 5 beses kitang binilhan ng regalo, 8 beses kitang nilibre sa sine at 6 na beses kitang binigyan ng pasalubong... maski kelan hindi kita binilangan noh!!!

28/08/2019

BRIGIBOI: Sir Bossing.... gusto ko pong pakasalan ang anak nyo!!!

PADER OF THE BRIDE: bakit? kaya mo ba siyang buhayin???!!!

BRIGIBOI: ho!!!! kelan po siya namatay?????? kausap ko lang kanina.. puchapie!!!

27/08/2019

SA MENTAL HOSPITAL:

DOK: o napapansin ko di mo na ata kinakausap ang sarili mo?

BALIW: Dok dapat lang na di ko kausapin ang sarili ko noh!!!

DOK: (aba magaling na ata) Bakit naman?

BALIW: eh kasi dok magkagalit kami... hihihihihihi wahihihihihi

Address

Manila
1008

Telephone

02-8619818

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Notebook ni Brigiboi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category