22/05/2026
📜 RULES AND REGULATIONS
💰 25K CASH PALUWAGAN
📌 MGA DETALYE NG PALUWAGAN
• Halaga ng makukuha: ₱25,000.00 Cash
• Hulog: (15/30 hulog)
• Bilang ng Kalahok: 10 Slots lang (Limitado lamang)
• Paraan ng Pagbibigay: Buo at Cash, Monthly Payout
✅ PANUNTUNAN AT PATAKARAN
1. PAGPAPAREHISTRO
• Ang mga sasali ay kailangang magbigay ng kumpletong pangalan at wastong impormasyon.
• Unahan po sa pagpaparehistro. Kapag puno na ang 10 slots, sarado na ang pagtanggap ng kalahok.
• Ang pagpasok sa paluwagan ay nangangahulugang tinatanggap at sinasang-ayunan mo ang lahat ng patakarang ito.
2. PAGBABAYAD / HULOG
• Kinsenas Katapausan ang babayaran.
• Dapat bayaran nang tama, buo, at nasa itinakdang oras.
• Walang kulang, walang bawas. Kung may hulog na kulang, hindi agad makakapagpasahod hangga't hindi nababayaran plus 100pesos penalty.
• Tinatanggap ang bayad sa pamamagitan ng: (GCash, Bank Transfer, o Cash)
3. PAGKUHA NG PALUWAGAN (PAYOUT)
• Buong ₱25,000.00 ang matatanggap ng sasahod kasama ang hulog nyo.
• Kinsenas kapatausan ang pagbibigay. Isang (1) tao lamang ang kikita o makakatanggap kada buwan hanggang sa matapos ang lahat ng 10 kasali.
• Kapag nakuha na ang pera, tuloy pa rin ang pagbabayad hanggang matapos ang itinakdang panahon. Bawal huminto maghulog kahit nakuha na ang iyong paluwagan.
4. PATAKARAN SA PAGKUKULANG / HINDI PAGBABAYAD
• Kapag dalawang beses na hindi nakabayad, kusa pong matatanggal sa listahan at mawawala na ang karapatang sumali at mawawala rin ang lahat ng naunang hulog.
• Bawal ang huminto. Ang sinumang kalahok na aalis o titigil sa pagbabayad bago matapos ang buong ikot ay hindi na maibabalik ang anumang halagang ibinayad na.
• Ang sinumang matanggal o tumigil ay papalitan ng bagong miyembro upang tuloy-tuloy ang daloy ng pera para sa lahat.
5. IBA PANG PATAKARAN
• Walang palitan ng pangalan o ililipat ang slot sa iba nang walang paalam sa Handler
• Siguraduhing tama ang iyong contact number at detalye para madaling matawagan kapag ikaw na ang makakatanggap.
• Ang handler ay hindi mananagot sa anumang problema kung hindi susundin ang mga patakarang ito.
Thank You And Gdbless All!!!