03/02/2023
'THE LITTLE MERMING'
Tila cuteness overload ang inihatid ng pusang si Poshako sa mga netizens matapos ibahagi ng furparent na si Jenelyn ang mga larawan nito habang nakasiksik sa kanilang aquarium.
"May 20 kaming isda before sa aquarium and nakikita namin si Poshako na madalas umiinom sa aquarium," paunang pagbabahagi ni Jenelyn sa PSND.
Ipinagtaka naman nila aniya ang pagkawala ng mga isda sa kanilang aquarium at tila alam na nila kung sino ang salarin.
"Nagtataka kami kung bakit nawawala 'yung mga isda, 'yun pala ay kinakain niya. Dumating nga 'yung time na naubos niya na 'yung mga isda at we decided na i-empty na lang ang aquarium tank," ayon pa kay Jenelyn.
"After 3 days, nakita na lang namin na andiyan siya palagi sa aquarium," dagdag pa niya.
"Ano po lahi ng isda niyo? Masyado po yatang malaki para sa aquarium. Pagawa po kayo fish pond," biro naman ng isa sa mga netizens sa comment section.
"The Little Merming," hirit naman ng isa pa.
(🖼️Jenelyn Pagalanan/Facebook)