17/05/2021
INGATAN ANG ATING LIVER:
Ang liver cirrhosis ay pagkasira ng atay. Ito ay komplikasyon sa atay na linalarawan ang pagkawala ng liver cells at hindi na maagapan pang pagkasugat o pag-scarring nito.
Ang atay ay pinakaimportanteng organ sa ating katawan. Ito ay gumagawa ng mga kritikal na trabaho. Dalawa na dito ang pag-produce ng substances o pagproseso ng sustansiya na kailangan ng katawan, halimbawa ay paggawa ng clotting proteins na importante para ang dugo ay mag-clot, at ang isa pa ay ang paglinis sa dugo o pag-alis nito ng toxic substances o nakakalasong bagay na maaaring makasama sa katawan, halimbawa na dito ang bawal na gamot.
Ang atay rin ang responsable sa pag-regulate ng supply ng Glucose o sugar, Lipids o taba na ginagamit ng katawan para gumana ito. Upang magampanan ang mga responsabilidad na ito, kailangang mag-function ang liver cells nang normal. Ngunit sa cirrhosis, dahil mayroong pagkasira ng liver cells, nahihirapan o hindi nagagampanan ng atay ang kaniyang mga gawain nang mabuti. Ilan sa resulta nito ay ang hindi paglabas na mabuti ng mga toxic substances sa katawan, at ang hindi wastong pagkagamit o produce ng taba.
Kabilang ang alcohol at iba pang sakit na dahilan ng liver cirrhosis tulad ng Hepatitis B at C, ang pumapatay sa liver cells. Matapos ang kaganapang ito, ang atay ay hinihilom ang mga sugat at ang resulta ay scar tissue formation. Ang liver cells na hindi naman namatay ay pinupunan ang nawalang mga cells sa pamamagitan ng pagpapadami pa nila sa kanilang mga sarili. At ito ay nagreresulta ng newly-formed liver cells “regenerative nodules” kung tawagin na nasa loob ng scar tissue.
Maraming sanhi ang liver cirrhosis. Kabilang dito ang chemicals tulad ng alcohol, taba, at ilang medikasyon, viruses, nakalalasong chemicals tulad ng iron at copper na naiipon sa atay dahil sa resulta ng ilang genetic disease at autoimmune liver diseases na kung saan ay ang cells mismo ng katawan ang sumisira ng kaniyang atay.
Kadalasan walang makikitang sintomas ang liver cirrhosis hangga’t hindi pa ito lumalala. Ang mga common na sintomas ay ang paninilaw ng balat dahil sa accumulation ng bilirubin sa dugo, madaling makaramdam ng pagod o panghihina, madaling pagkapuyat, walang ganang kumain, pangangati, madaling pagkasugat at pagdurugo o pagkaroon ng pasa dahil sa kaunti na lamang na nagagawang clotting factors sa dugo, accumulation ng tubig sa tiyan at pamamaga ng mga binti, pakiramdam na nasusuka, at pagbaba ng timbang.
Kapag hindi naagapan ng maaga ang liver cirrhosis, maaari itong magdala ng komplikasyon tulad ng edema at ascites – ang pagkakaroon ng tubig sa parte ng katawan tulad ng tiyan at mga binti dahil sa hindi paggawa ng protina ng dugo ang atay. Ang Spontaneous Bacterial Peritonitis ay isa ring komplikasyon kung saan nagkakaroon ng impeksiyon ang tiyan. Meron ding Portal Hypetension o pagdurugo sanhi ng pagtaas ng presyon sa pangunahing ugat ng daluyan ng dugo sa atay at hindi na maganda ang blood flow dito. Madaling nagkakasugat ang pasyente. Malnutrisyon dahil nahihirapan ang atay sa pagproseso ng sustansiya na maging sanhi ng kahinaan ng katawan at pagbaba ng timbang. Hepatic encephalopathy na kung saan napakaraming toxins sa dugo na hindi kayang alisin ng atay at ito ay nagdudulot ng pagkalimot sa sarili at nahihirapang mag-isip o mag-concentrate ng maayos. Kapag malala na, maaari itong maging sanhi ng coma. Isa pa sa komplikasyon ay ang mataas na posibilidad na magkaroon liver cancer...
Pm for inquiries😊