17/08/2021
Plano ko magpa cod na uli para sana if ever malost parcel ko sa shopee e mabalik naman saken yung amount nung order. Nung una kasi ok lang cod saken para naman sa mga buyer ko kaso minsan napakatagal iclick order receive bukod pa sa ang laki na talaga ng kaltas ni shopee. Pero mukang ekis na kay shopee. Hindi mo na alam kung san ka lulugar. Payment first, malost parcel mo yung balik lang sayo kung magkano pinacheckout mo tapos yung advance payment ni buyer ikaw na bahala, Eguls! Pero ngayon pag cod tapos hindi lang tinanggap ni buyer na nangtrip lang pala or nagka failed delivery ka ( hindi available si buyer) eto namang shipping fee ang isho-shoulder mo, isang malaking LUGI pa din. 😅😅😅 Ano sugal na din yata to😢