18/08/2020
❤️ DIET AND GLUTA LIPO JOURNEY ❤️
Starting Weight: 59 kgs (Overweight for 4'11 height)
Current Weight: Di ko pa alam, wala kong timbangan😅
Goal Weight: 43 kgs
☑️ Overweight
☑️ Constipated
☑️ Bloated
☑️ Irregular Menstruation
☑️ Polycystic O***y Syndrome (PCOS)
3 months Glutalipo Journey ✨
April 01, 2020 nag start ako uminom ng Glutalipo try lang kasi napanuod ko kay Viy Cortez effective sakanya, baka umeffective din sakin at sinabayan ko ng Low Carbs and Intermittent Fasting (16 hours fasting and 8 hours feasting time) sobrang effective tong diet na to di ko inexpect na kakayanin ko. Ang laking tulong din ng Glutalipo lalo sa tulad kong constipated kasi kung dati inaabot ng 4 days to 1 week na di ako nakaka dumi kaya sobrang bloated din ako, ngayon araw araw na ko nakaka dumi dun palang sobrang thankful na ko 🙂 Bonus pa yung almost 3 months na ko di dinadatnan sanay naman nako kasi irregular talaga mens ko at may pcos ako, pero ilang days palang ako umiinom ng glutalipo at sinabayan ng diet nagkaroon na agad ako. Take note malakas na menstruation parang nabawi yung ilang months na di ako dinadatnan 🙂 And from personal experience, simula malaman ko na may PCOS ako dun na nag start na bumilis ako mag gain ng weight, and kapag may PCOS daw mas mahirap or mabagal yung progress ng pagbawas ng timbang.
Natry ko na lahat ng flavors ng Glutalipo (Milktea, Juice and Coffe) masasabi ko lang, same lang ng effect lahat yung milktea parang normal na milktea yung coffee parang 3-in-1 coffee lang din yung juice naman parang iced tea kasi lemon flavor sya pero ang madalas kong iniinom yung juice, di kasi ako mahilig sa coffee at milk tea. Isang beses lang ako umiinom ng Glutalipo usually 7-8pm ang oras ng inom ko kasabay ng dinner ko bago mag start ang fasting. Para morning masarap sa feeling magbawas. Control nadin sa sarili, kung ayaw mong masayang at gusto mong mag bunga yung ginagawa mo keep yourself motivated 😉