R Studio

R Studio Promoting Rinconada, Bikol, and Filipino Literature

Nasa AVENIDA booth (KO07 at KO08) ang mga libro kong ANG MGA INIIWAN NG TUBIG at ILANG SEGUNDO NG PAG-ASA AT PAGKABIGO n...
13/03/2026

Nasa AVENIDA booth (KO07 at KO08) ang mga libro kong ANG MGA INIIWAN NG TUBIG at ILANG SEGUNDO NG PAG-ASA AT PAGKABIGO ngayong PBF 2026, March 12-15 sa Megatrade Hall 1, SM Megamall. Salamat kay Ma’am Nida Ramirez at sa Avenida Books.
Prices: Ang mga iniiwan ng tubig - PhP 550. Ilang segundo ng pag-asa at pagkabigo - PhP 250. (Signed ang mga kopya ng libro.)

12/03/2026
Nasa AVENIDA booth (KO07 at KO08) ang mga libro kong ANG MGA INIIWAN NG TUBIG at ILANG SEGUNDO NG PAG-ASA AT PAGKABIGO n...
11/03/2026

Nasa AVENIDA booth (KO07 at KO08) ang mga libro kong ANG MGA INIIWAN NG TUBIG at ILANG SEGUNDO NG PAG-ASA AT PAGKABIGO ngayong PBF 2026, March 12-15 sa Megatrade Hall 1, SM Megamall. Salamat kay Ma’am Nida at sa Avenida Books.

Prices: Ang mga iniiwan ng tubig - PhP 550. Ilang segundo ng pag-asa at pagkabigo - PhP 250. (Signed ang mga kopya ng libro.)

***
Tungkol sa ANG MGA INIIWAN NG TUBIG
Pinapaksa ng mga tula ang mga epekto ng baha at tagtuyot sa mga aspektong pisikal at sikolohikal. Nakatuon ang mga imahen sa buhay sa kanayunan lalong-lalo na sa mga buhay ng mga magsasaka, ang mga nasa laylayan na siyang pinakaapektado ng mga kalamidad. Matutunghayan ang masalimuot na mga epekto ng kalamidad: ang bagabag sa pagharap sa laging nakaambang pagbaha at tagtuyot; ang paghihirap, gutom, at panghihinayang matapos mawalan ng mga ari-arian; pagdadalamhati sa kamatayan; at ang lumbay na nananalaytay matapos ang mga kalamidad. Subalit sa mga sandaling tama ang timpla ng tubig at init, kakikitaan ang kalikasan at ang agrikultura ng ikinabubuhay, buhay, kagandahan, kasiyahan, at pag-asa sa mga kanayunan.

Tungkol sa at ILANG SEGUNDO NG PAG-ASA AT PAGKABIGO
Sinisiyasat ng mga tula ang maraming sitwasyong kinapapalooban ng tao mula sa hindi mapagpipilian at mababago, tulad ng heograpiya at pandemiko, hanggang sa mga kontroladong desisyon at gawain sa araw-araw na pamumuhay at trabaho.

Nandito ang mga pag-asang magiging maayos ang araw: mula sa simpleng hangad na makabili ng kailangang gamot sa botika at makapagpahinga kahit sandali sa mga gawain, hanggang sa pag-asang nasa panaginip lang ang balitang kamatayan ng pinakamatalik na kaibigan.

Nandito rin ang mga pagkabigo: ang mga sandaling hindi matukoy ang pinanggagalingan ng bigat na nakadagan sa dibdib, ang walang katapusang tambak na mga gawain, at ang mga pagkakasakit at kamatayan.

Sa loob ng mga siklo ng pagsasalitan ng magkapares na pag-asa at pagkabigo, sa pagpapalit at pagbabago ng pakiramdam at panahon, ang patuloy na paggising araw-araw, wala mang linaw ang magiging takbo at saysay, ramdam man ang mga pagdududa at pagkukulang:

Hinaharap ko ang aking mga kamalian
(at ang maaaring mga kamalian—)
sa daloy ng mga salita sa pahinang ito.
Kaya siguro hindi ako nilulubayan
ng mga pag-aatubili. Pero kung hindi haharapin,
paano ang pagpapatuloy?
At paano uusad mula rito—?

Alamin ang lahat ng detalye tungkol sa mga aklat: https://jasontabinas.com/books.

07/02/2026
Website—Live!I-promote ko lang yung website ko na jasontabinas.com. Live since January 10.Nagsimula lang sa need na magk...
07/02/2026

Website—Live!

I-promote ko lang yung website ko na jasontabinas.com. Live since January 10.

Nagsimula lang sa need na magkaroon ng page para sa lahat ng information tungkol sa aklat kong Ang mga iniiwan ng tubig at chapbook na Ilang segundo ng pag-asa at pagkabigo. Para isahang pag-point lang kung saan ang information available pag may inquiries. Natatabunan ang posts sa social media.

Then idinagdag ko na rin yung online shop using Tally Form hanggang kinumpleto ko na tulad sa common websites. Sa mga nagbabalak rin mag-website, may ilang tala lang ako:

Ilang tala sa pagdesign and construct:
1. Domain name: Acquired through Canva. Pinakamura (PhP 1,099/year). Kasama na ang free hosting, SSL security, and WHOIS privacy.
2. Canva: Gumamit ako ng Canva sa pag-design at build dahil pinakamadali para sa akin na first time gumawa ng website. May limitations lang sa section per page, among other numerous limitations ng Canva. (Hoping na mag-increase ang section limitations from 10 to at least 20 or more).
3. Share buttons: isa sa medyo natagalan akong gawin. Hindi gumagana sa Canva ang karamihan sa third-party widgets. (Maygad, kailangan kong hanapin ang embedding codes ng kada button, mag-percent encode sa kada share button sa bawat page ng site, i-modify ang url part, at i-percent encode ang default share message.) Triny kong i-add ang karamihan sa social media platforms at messaging apps pero anim lang ang gumana (again, Canva limitations).
4. Logo at color palette: Malaking tulong na na-design ko na yung logo dahil unang kinailangan sa aklat. Sinet ng logo yung branding colors kaya madali nang magpalit-palit ng kulay sa kada section ng page.
5. Go-to Typeface. Optima ang napili kong typeface (mula sa maraming typefaces na pinagpilian na appropriate sa website/digital formats). Depende sa genre ng content, among other numerous reasons sa pagpili ng typeface. Isa lang ang ginamit ko. Bawas sa iisipin kung ano ang gagamiting typeface. Binabago-bago ko na lang ang size, weight, style, at position ng text sa page.
6. Embedding: Napaka-convenient ang embedding ng canva. Naa-add ang image from the link so hindi na kailangang mag-create o maghanap ng thumbnail images o gumawa from scratch. Gamit na gamit sa pag-add ng links at videos sa News, Events, and Media pages.
7. Image upscaling: Halos lahat ng ginamit kong image ginamitan ko ng Image Upscaler para high reso ang images. Gamit na gamit ang feature na ito.
8. Order Form: Tally Form ang isa sa best na gamitin dahil may computation fields and conditional logic for automatic computation of total book prices and shipping. Mas simple ang Jotform pero limited ang submissions so Tally Form na lang. May integrations itong Tally form sa Zapier para sa zaps.
9. Over the limit number of pages: 5 to 7 pages lang dapat ang website according to developers pero dahil sa limitations ng Canva sa sections, napilitan akong gawing 9 pages.
10. Layout adjustments: Dahil nagre-resize kapag tinitingnan sa mobile data ang website, kailangang i-adjust ang layout ng images at text batay sa actual na appearance sa mobile screen. Ang isa pang adjustment, hindi ibig sabihin na ok na ang layout sa mobile at desktop, ok na rin sa laptop. Iba rin pala ang size adjustment sa laptop! Akala ko pareho lang. Kaya ang daming layout adjustments. Malaki ang font 14pt sa laptop pero maliit ang 13pt sa mobile phone kaya ginawa ko na lang na 14pt. (Note na may ilang pages din na distorted ang layout sa laptop, i.e., PUBLICATIONS page, pero maayos sa mobile at desktop. Kailangan lang i-view sa 90% or 80% ng screen view sa laptop para hindi distorted ang layout.)

Website pages:
https://jasontabinas.com/
https://jasontabinas.com/about
https://jasontabinas.com/books
https://jasontabinas.com/publications
https://jasontabinas.com/shop
https://jasontabinas.com/news
https://jasontabinas.com/events
https://jasontabinas.com/media
https://jasontabinas.com/contact

Overall, matagal gawin. May new found appreciation ako sa mga ginagawa ng website designers nang ma-complete ko yung sariling site. Time-consuming kahit user-friendly ang Canva sa dami ng pages and sections and data na kailangang ilagay.

P.S.
Mukhang pumapaldo na itong Canva sa promotion. Canva, vacan naman! (sorry can’t help it hehe)

Mababasa online ang marami sa aking akda for free. Ang links ng iba’t ibang publikasyon, makikita sa PUBLICATIONS page (...
04/02/2026

Mababasa online ang marami sa aking akda for free. Ang links ng iba’t ibang publikasyon, makikita sa PUBLICATIONS page (see comment for link). Ang wala online, maaaring hanapin sa pinakamalapit na library o bookstore.

(Pasasalamat sa mga editor, over the years, sa pag-publish ng aking mga tula at maikling kuwento sa Filipino, Rinconada, Bikol, at English: Antolohiya: Ani: The Philippine Literary Yearbook, An Tambobong nin Literaturang Bikolnon, Celebrations: Places and Spaces, Heights: The Official Literary Publication of Ateneo, Likhaan: Journal of Philippine Contemporary Literature, Mga Nagwaging Akda sa Gawad Bienvenido Lumbera, Mula sa Guho, Pitong Pantig, Pintig, at Pagitan; Magazines: An Maogmang Lugar, Matanglawin: The Official Filipino Magazine of Ateneo, Philippines Free Press; Online Magazines: Dateline Ibalon, Mag YP: Yabang Pinoy Magazine; Online Anthology: Hal-dyornal, High Chair; Online Archive: Palanca Winning Works.)

First time kong mag-design at layout ng book cover at internal pages.Canva na ang pinakamadaling gamitin so Canva ang gi...
20/01/2026

First time kong mag-design at layout ng book cover at internal pages.

Canva na ang pinakamadaling gamitin so Canva ang ginamit ko.

Ibang mundo rin ang book design. Ang daming tanong na kailangang sagutin (tulad siguro ng lahat ng gawain pag ginawa mo talaga on your own) habang ginagawa ang layout at design. Halimbawa:

Ano ang typeface? Magkaiba ba ang sa title vs body text?
Ano ang font size ng body text, title, page number?
Ano ang weight? Bold or Regular?
Kailangan bang i-adjust ang kerning (spacing horizontally)?
Ano ang tamang leading (spacing vertically)?
Paano ang aligment ng title at body text?
Paano ang aligment ng page number?
Gaano kalaki ang margins?
Ano ang dividers?

Sa cover, paano ang pag-estimate ng spine thickness down to the last decimals ng millimeter, para mareflect sa full spread layout? (napakamot ako ng ulo dito)
Anong pinaka-appropriate cover image na nasa commons?
Ang pinaka-appropriate na filter sa image?
Anong bagay na typeface sa cover base sa image?
Anong font size at style ng title, name, at back cover text?
Anong weight, style, leading, margins, alignment?

Very time-consuming pero nakakatuwa rin na masubukan. Expect lang na matagal ang layout at design kahit na pinakamadaling ruta ang paggamit ng Canva.

Mada-download ang sample pages sa BOOK page at mabibili ang mga libro sa SHOP page (see comment).

Tungkol sa R StudioSelf-publishing house and book store pa lang ito, as of now. Kailangan pang i-define ang buong extent...
19/01/2026

Tungkol sa R Studio

Self-publishing house and book store pa lang ito, as of now. Kailangan pang i-define ang buong extent ng publication.

Ang malinaw sa ngayon, tututok ito sa poetry sa Rinconada, Bikol, at Filipino at reference books sa Rinconada at Bikol. May tuon sa Rinconada district of Camarines Sur. The place and the language.

R Studio: Promoting Rinconada, Bikol, and Filipino Literature

Logo Concept: R Studio

The Core Identity: The Letter "R"
The primary emblem represents Ranuw, the Rinconada word for "lake," a dominant topographical feature of Camarines Sur's 5th Congressional District. It simultaneously stands for Rinconada, the language and culture of the area.

Form and Symbolism: The Overlapping Ovals
The logo features three overlapping ovals signifying the three lakes of Rinconada: Baao-Bula, Bato, and Buhi. The oval form was specifically chosen for its dual meaning, mirroring both the natural curves of a lake and the organic shape of a leaf—a traditional metaphor for the pages of a book.

Color Palette: Synthesizing Lake Water Colors
The colors are inspired by the shifting hues of lake water blending Green, Brown, and Blue into a palette of Gray Cyan, Gray Green, and Pastel Gray Turquoise.
• Gray: Denotes balance and neutrality.
• Green: Reflects nature, vitality, and creative growth.
• Blue: Evokes a sense of stability and trust.

Typography: Maragsa
R Studio utilizes the Maragsa typeface chosen for its flowing strokes which perfectly echo the curves of ovals used in the brand mark.

Evolving pa ang R Studio. Yan muna sa ngayon.

Tingnan ang mga detalye tungkol sa reprints ng unang dalawang libro mula sa R STUDIO: Ang mga iniiwan ng tubig (Ateneo de Manila University Press, 2020) at Ilang segundo ng pag-asa at pagkabigo (Aklat Ulagad, 2023) sa BOOKS page (see comment).

Mabibili ang mga libro sa SHOP page (see comment).

Address

Highway Hills
Mandaluyong
1550

Website

https://jasontabinas.com/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when R Studio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to R Studio:

Share

Category