18/11/2025
Before today ends… gusto naming magpasalamat. ❤️
9 years na mula nang nagsimula kami bilang isang simpleng passion, ang pagmamahal sa mga kwento, mga libro, at sa community na unti-unting nabuo sa paligid namin.
Ang dami nang nagbago sa loob ng siyam na taon.
Nagbago ang mga kwentong patok, ang format, at ang platforms mula Facebook, Shopee hanggang TikTok na naging tahanan ng aming lives at announcements.
Hindi lang kami book reseller. Naging parte rin kami ng self-publishing journeys at ng mga pangarap ng writers na nagkaroon ng sarili nilang libro…
Nagkaroon tayo ng active community, mga ka-TPzens na palaging sumasama, at mga readers na naging parang pamilya na sa dami ng librong dumaan sa shelves nila.
May mga bago kaming customers, may mga matagal nang suki, at may mga kasama namin mula unang order nila hanggang ngayon.
At sa bawat librong naihatid namin sa inyo, sa bawat kilig, tawa, iyak, at pahinga na dala ng bawat pahina, kasama namin kayo sa journey na ito.
Dahil sa Talking Pages, Laging Yes to Happiness. ❤️
Cheers to 9 years of passion, stories, and community.