21/05/2020
Pasasalamat sa City Government of Malabon, kay Mayor Lenlen Oreta at sa bumubuo ng Malabon Public Safety and Traffic Management Officee sa pagbibigay ng pagkakataon na mabuksan ang usapin ng posibleng pagbabalik-biyahe ng ating mga pedikab. Sa ngayon ay wala pang naitakdang eksaktong petsa kung kailan ang muling pasada ng ating mga drayber pero maraming salamat po sa pag-alala sa amin.
Narito ang ilan sa mga initial guidelines para sa mga pampublikong transportasyon na ating ipatutupad para sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) Protocol:
(MAHALAGANG PAALALA! Sa panahon ng MECQ ang mga rehistradong Tricycle de Motor, Padyak/Pedicab at E-trike lamang ang pinapayagan na mamasada bilang Pampublikong Transportasyon. Habang mananatiling suspendido ang mga Jeepney, Bus, TNV, Taxi, UV Express, atbp.)
PATAKARAN PARA SA TRAYSIKEL, PEDIKAB, AT E-TRIKE
- Isang (1) pasahero lamang ang maaring sumakay sa isang traysikel o pedikab kada biyahe.
- Tatlong (3) pasahero lamang ang maaring sumakay sa isang e-trike kada biyahe.
- Maari lamang isakay ang pasahero kung ito ay MAY SUOT NA FACE MASK AT MAY QUARANTINE PASS. Kung ang pasahero ay walang face mask o walang quarantine pass o parehong wala, hindi ito maaaring isakay ng drayber. Ang lalabag na drayber ay huhulihin at kukumpiskahin ang unit (traysikel, pedikab, e-trike)
- Maari lamang bumiyahe ang drayber kung ito ay may ALCOHOL sa loob ng traysikel, pedikab, o e-trike na hindi bababa sa 70% ang alcohol content.
- Maari lamang bumiyahe ang drayber kung ito ay may CASH BOX sa loob ng traysikel, pedikab, o e-trike kung saan ihuhulog ng pasahero ang kanyang bayad.
- Maari lamang bumiyahe ang drayber kung ito ay may PLASTIC COVER sa pagitan ng drayber at pasahero. May butas lamang ito sa bandang ilalim para sa pagkuha ng pera sa CASH BOX. Matinding paalala na matapos kuhanin ang pera ay mahalagang gumamit ng alcohol at iwasang punasan ang mukha gamit ang mga kamay.
- Maari lamang bumiyahe ang drayber kung ito ay may malinaw na nakapaskil o nakalagay na FARE MATRIX sa loob ng sasakyan. Labinlimang piso para sa unang kilometro ng biyahe at may dagdag na dalawang piso sa mga susunod na kilometro. (PHP 15.00 per 1 kilometer. Additional PHP 2.00 for every succeeding kilometer.)
PATAKARAN PARA SA MGA BABIYAHENG DRAYBER
- Maari lamang bumiyahe ang drayber ng traysikel, pedikab o e-trike kung siya ay:
(a) babae o lalaki na pasok sa edad mula 21 y/o hanggang 59 y/o.
(b) nagmamay-ari ng kahit na ano’ng GOVERNMENT VALID IDENTIFICATION para sa pagkakakilanlan
(c) may orihinal na plaka galing Land Transportation Office (LTO) para sa traysikel
(d) may orihinal na body number para sa e – trike (DOE)
(e) may orihinal na plaka galing Malabon Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO)
- Maari lamang bumiyahe ang drayber mula 05:00 a.m. hanggang 08:00 p.m.
ODD – EVEN NUMBER CODING NA DAPAT SUNDIN NG MGA DRAYBER BASE SA HULING NUMERO NG KANILANG PLAKA O BODY NUMBER
LUNES, MIYERKULES, AT BIYERNES – 1, 3, 5, 7, 9
MARTES, HUWEBES, AT SABADO – 2, 4, 6, 8, 0
LINGGO – ARAW NG PAGDIDISINFECT NG TRAYSIKEL/PEDIKAB/E-TRIKE
Hangad namin na sana ay tuluyan itong maisakatuparan para sa benepisyo ng ating mga masisipag na drayber, ang kani-kanilang mga pamilya at lahat ng .
Sama-sama (with physical distancing at face mask) nating labanan ang CoVid - 19!