08/01/2023
While browsing through some old photos on my gallery, I came across this photo of my mother picking up everything she wants and tossing it into her cart without thinking of the prices that would normally hold her back.
Ang sabi ko kasi, ako ang magbabayad. Siyempre, tuwang-tuwa siya at dali-daling kumuha ng cart. Haha
'Yung mga paisa-isang item na nilalagay niya, pasimple ko namang dinadagdagan.
Kinuhanan ko pa ito ng larawan noong 2018 kasi ito 'yung prayer ko noon. It felt surreal that it was happening right in my eyes.
Years ago, I asked God to help me find a job that would not only allow me to continuously support His works but also a job that would help me support my family's needs.
Prayer ko talaga noon na ilibre sa grocery ang nanay ko at hayaan siyang kumuha ng kung ano'ng kailangan niya nang hindi niya kailangan isipin ang presyo.
Siguro sa iba maaaring normal na lang ito na gawain o bonding moments ng kanilang pamilya, pero sa amin isang pribilehiyo na itong maituturing. Lalo sa tulad kong lumaki na hindi marangya.
Be specific with your prayers.
Napa-picture tuloy ako sa tuwa. Apat na taon na ito pero hindi ko pa rin binubura sa gallery. This is a testament of God's faithfulness in our lives. This photo reminds me that God was, is, and will always be with me in my journey.
Apat na taon na nga ang lumipas, pero wala pa ring kupas ang saya kapag nakikita siyang kumukuha ng mga items na gusto at kailangan niya.
Dalangin ko lang na mas marami pang beses na magkaroon ako ng pagkakataon na ibigay ang mga ganitong simpleng bagay.
Ang dalangin ko naman sayo, may the good Lord overwhelm you and your family with blessings beyond measure. A blessing towards your own self and also to the people beyond your circle.
May your parents witness and experience your success.
At para sa mga walang pagkakataon na ipadama ang ganitong bagay sa kanilang mga magulang sa iba't ibang kadahilanan, nawa'y magkaroon ka ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya at maging biyaya ka pa rin sa iba.
Tara na at mag-grocery. 😊
Love,
Lee