24/01/2021
KAMI PO AY NAGBABALIK!
ONLINE MEAT SHOP at your doorstep!
Para hindi na makipag-siksikan sa palengke at makaiwas sa COVID, kami po ay nagdedeliver direkta sa inyong tahanan.
STAY HOME, STAY SAFE! SOCIAL DISTANCING!
Maari lang na magpadala ng mensahe sa mga nais umorder ng karne ng baboy!
PAANO UMORDER?
Magpadala lamang po ng listahan ng order isa o dalawang araw bago ang araw na nais ninyo madala ang karne. Halimbawa, kung nais nyo na mahatid ang karne sa Biyernes, magpadala po ng listahan ng order sa aming page hanggang Huwebes, 3pm.
PAANO IPAPADALA ANG KARNE?
Idedeliver po ang order ninyo sa mismong bahay ninyo o sa address na ibibigay ninyo sa aming page. Sa ganun hindi nyo na kailangan na pumunta ng palengke at makipag-siksikan.
LIBRE PO BA ANG DELIVERY?
Depende po. Libre po ang delivery kung kayo ay nakatira sa WEST REMBO. Kung kayo ay nakatira sa CEMBO, SOUTH CEMBO, EAST REMBO, COMEMBO at PEMBO, may maliit na delivery fee. Maaari lamang po na magbigay ng kompletong address dito sa aming page. Ang delivery fee po ay nasa 20-50 pesos lamang depende sa inyong lokasyon. Kung kayo naman po ay nakatira sa lugar na hindi nabanggit, maari parin po madeliver ang order nyo sa inyong address gamit ang ibang courier tulad ng GRAB, ANGKAS at iba pa.
MAGKANO ANG KARNE NG BABOY?
Mas mababa po ang presyo namin kumpara sa presyo sa palengke. Maari lamang po na magpadala ng mensahe sa aming page para sa kompletong listahan ng presyo ng karne.
ANO ANG MGA KARNE NA PWEDE ORDERIN?
1. Maskara
2. Kasim
3. Pata
4. Lomo
5. Ribs
6. Liempo
7. Pigue
8. Porkchop
9. Lamanloob tulad ng atay, baga, bituka